"HIPAG"
ni AMERAH A. USMAN
Si Michael Santos ay bunso sa limang magkakapatid, siya'y mabait at masayahing tao. Sa Maligaya St. Quezon City naninirahan ang magkakapatid. First year highschool pa lang siya nang pumanaw ang kanyang mga magulang. nakakapag-aral lamang siya dahil sa tulong ng kanyang mga ate at kuya. Masayang-masaya si Michael nang marinig niya ang kanyang kuya Francis noong sabihin nito sakanya na siya na ang bahala sa lahat ng gastosin nito sa kolehiyo.
"Michael, malapit na ang pasokan. Saan mo gustong mag-aral ng kolehiyo?" tanong ng kanyang kuya.
"kahit saan po, basta lang kaya natin ang tuition fee." sagot nito.
"Mike, kahit saan mo gustong mag-aral papayagan kita. Huwag kang mag-alala simula sa darating na pasokan hanggang sa pagtapos mo ako na ang bahala sa lahat ng gastosin mo, basta't mag-aral ka lang ng mabuti." sabi ni francis.
"Opo kuya, maraming salamat po. makakaasa po kayong pagbubutihan ko po ang pag-aaral ko." sagot nito.
"Walang anuman Mike, responsibilidad kung mapag-tapos ka dahil yon ang pinangako ko sa ating mga magulang at ako ang panganay sa ating magkakapatid." paliwanag nito. Hindi maipenta ang mukha ni Michael sa subrang saya dahil sa mga sinabi ng kanyang kuya.
Lumipas ang dalawang linggo ay sinamahan ni francis si michael sa 'Far Eastern University (FEU) para makaenrol ito, Civil Engineer ang kinuha niyang kurso. Kitang-kita sa mukha ni Michael ang tuwa dahil sa suportang binibigay ng kanyang kuya. Habang sila'y naglalakad pauwi sa kanilang tahanan sila'y nagbibiruan.
"Mike, huwag ka muna mag-aasawa habang di kapa tapos mag-aral, mahirap na maging batang ama." pabirong sabi ni Francis.
"Kuya naman eh, wala pa nga akong napupusoan, asawa na agad." sagot ni michael.
"Aba, buti naman kung ganun Mike. Pero eenjoy mo naman pagkabinata mo huwag ka lang agad mag-aasawa at magsamantala ng babae." payo ng kanyang kuya.
"Si kuya talaga, para akong tinuturoan maging playboy tulad niya." patawang sabi nito.
"Mike, di naman ako playboy sadyang gwapo lang talaga ang kuya mo." pabirong sagot nito.
Pagkalipas ng ilang araw, dumating ang lahat ng mga kapatid ni michael sa kanilang inuupahan upang ipagdiriwang ang pagka-promote ng kanilang kuya Francis. Napromote ito bilang isang 1st Lt. sa pagiging sundalo, masaya silang kumakain habang sila'y nag-uusap-usap, nahaloan ito ng kalungkotan dahil sa sinabi ng kanilang kuya na sa Marawi City ito na-assign. Unang nag-react si Michael sa kanilang narinig.
"Kuya, wala na po bang ibang choice maliban sa Marawi City?" alalang tanong nito.
"Wala nang ibang choice Mike, sila na mismo ang nag-decide." sagot nito.
Lahat sila nag-alala sa kanilang kuya, lalo na't lagi nilang naririnig na maraming nangyayari sa Marawi City na mga krimen. Napaluha ang ate Myca nilang sunod na panganay kay Francis dahil sa subrang pag-alala sa kanilang kuya. sinabi ni Francis sa kanyang mga kapatid na wala silang dapat ikatakot dahil marami siyang kaibigan sa Marawi na mas nauna silang na-assign doon at depende daw sa pag-uugali dahil hindi naman lahat masasama ang mga tao doon. Habang sila'y kumakain ng handaan ni Francis ay tnabihan ni Michael ang kanyang ate Myca.
"Tama na po ate, huwag kanang umiyak dahil ang panginoon po ang laging kasama ni kuya alam ko pong hindi ito papabayaan ng diyos." sabi ni Michael.
"Alam ko mike, kaya lang di ko maiwasan ang mag-alala sa mabait nating kuya." sabi ni Myca.
"hmmp.. Myca, Mike. Tama ba ang narinig ko na mabait na at gwapo pa ako?" pabirong tanong nito.