18th

154 15 29
                                    

One Last Step
18th Step

One Last Step18th Step

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



Jimin's POV:

Wala akong ginawa sa buong umagang ito kundi ang magmukmok sa sala. Simula pagkagising hanggang sa magtatanghali na ay nanatili lang akong nakahiga sa sofa habang nakatulala sa kisame. Nagpapasalamat nalang ako at wala kaming schedule ngayon dahil pakiramdam ko ay wala akong ganang gumawa ng kahit ano.

Ganito pala ang feeling ng ma-broken hearted. Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na nakipag-break ako sa babaing iyon.

Pero masisisi n'yo ba ako? Wala ng ibang ginawa ang babaing iyon kundi ang saktan ako. At kahit na sobrang sakit parin ng dibdib ko ay hindi ko magawang sisihin ang sarili ko mula sa sakit na nararanasan ko.

Have I really done the right thing?

"Oh, Jimin-ssi." Ang biglang pagsulpot ng inaantok na boses na iyon sa tabi ko.

Kahit na hindi ako lumingon ay alam kong si Suga hyung ang bagong dumating. Naramdaman ko ang pag-upo niya sa katabi kong sofa at ang pagpapaandar niya ng TV.

At nang hindi ako sumagot ay naramdaman ko ang pagbato niya ng maliit na unan sa mukha ko.

"Yah," tawag niya. "Kung tinatawag ka ng hyung mo ay sumagot ka naman. Gusto mo na bang mamatay?"

"Hyung..." Ang walang kabuhay-buhay kong sambit habang nakatitig parin sa kisame.

Naramdaman ko naman ang paglingon niya sa akin.

"Ano na naman ba ang nangyayari sa'yo ha?"

"Hyung, nag-break na kami ni Cheska." Ang sumbong ko sa kanya.

"Oh, jinja? That's great."

Hindi ko naman mapigilang mapaupo mula sa sofa nang dahil sa sinabi niya.

"Yah! Hindi ba pwedeng kahit kaunti lang ay makaramdam ako ng simpatya mula sa'yo hyung nang dahil sa masakit na balita na ito?!" ang pagwawala ko.

Pero ang nakakaasar pa ay nanatili lang siyang nakatingin sa TV habang walang pakialam na pinipindot lang ang remote control na nasa kamay niya.

"Bakit? Sino ba ang nakipag-break?" ang walang lingon-lingon parin niyang tanong.

Napakurap naman ako at malungkot na nagbaba ng tingin.

"Ako..." ang pag-amin ko.

"Oh, eh di congrats."

Hindi ko naman mapigilang mapataas ng mukha nang dahil sa sinabi niya.

"Yah!"

"Yah Jimin-ssi," ang lingon na niya sa akin. "Ikaw naman pala ang nakipag-break pero bakit ikaw ang umiiyak dito?"

Agad namang nanlaki ang mga mata ko nang dahil sa sinabi niya.

"H-hindi ako umiiyak hyung!" ang tanggi ko.

One Last Step [Jimin/ChesMin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon