17. Unexpectedly

730 27 3
                                    

Dedicated to FlickaChieq

Enjoy Reading :)

*******

Sa likod ng kanilang classroom sila magpa-practice para sa kanilang dance performance sa talent portion ng patimpalak na iyon. Sinabi kasi sa kanila ng coordinator na kailangan na nilang maghanda para sa kanilang ipre-presenta sa araw na sila ay sasalang sa pageant ng magkasama.

Nakatingin si Ashley sa isang puno, agad kasing naagaw ng kanyang atensyon ang punong iyon.

Bumaba siya at nakita niya na may nakahugis pusong upuan ang punong iyon. Umupo siya doon sa ugat ng puno habang si Tan ay nakatingin sa kanya mula sa itaas.  Ngumiti ito at umupo doon.

Si Ashley ay may talento sa pagsasayaw, ito ay ginagawa niya dahil napamahal na ito sa kanya. Ang pagsasayaw ay parte na ng kanyang pagkatao.

Siya ang magco--choreo ng sasayawin nila.

'Tan!' tawag niya sa kasamang kanina pa may iniisip.

'Okay ka lang?' tanong niya dito at pagkaraa'y umupo sa ugat ng punong iyon na nasa harap nila na hugis puso.

'huh? Ahhh oo' wala parin sa sariling sagot nito.

'Tan, you look bothered, I think kailangan mo munang ayusin kung anuman yang nasa isip mo para hindi tayo paulit-ulit' suhestyon niya pa dito.

'Ah, sorry Ash...' napabuntong hininga ito 'hindi na mauulit' . Sa puntong iyon ay naisip ni Tan na sandaling kalimutan kung anuman ang napag-usapan nila ni Angela dahil binabagabag siya ng alalahaning 'yon.

It's okay, I understand! sabi naman sa kanya ni Ashley habang kumukuha ito ng maliit na kahoy at nagsimula ng magsulat sa katawan ng puno.

"Ano yan?" curious na tanong ni Tan sa kanya habang nakatingin silang pareho sa sinulat doon ni Ashley.

"Ahh, wala.....' nakangiti lang ito habang bahagyang nanlaki ang mga mata na nakatingin sa kanya. "Practice na ulit tayo"

Hindi mapigilan ni Tan na kiligin sa tuwing mahahawakan ang kamay ni Ashley, hindi niya alam kung bakit ganun ang kanyang nararamdaman na para bang may mahinang kuryenteng dumadaloy sa kanyang kamay sa t'wing magkahawak sila ng kamay.

Kung kanina ay hindi siya makapag-focus dahil naalala niya ang mga sinabi sa kanya ni Angela nung huli silang mag-usap ay ngayon naman ay dahil kasayaw niya ang babaeng kanyang gusto. At patagal ng patagal ay mas lumalalim pa ang kanyang nararamdaman para dito.

'Tan, mag-focus ka....wag kang magpapahalata sa kanya!' paalala niya sa kanyang sarili. Hindi niya kasi maiwasang  tingnan si Ashleya at kunti nalang ay malulusaw na talaga ito sa kanyang mga titig.

Inikot niya si Ashley at sobrang lakas ng kaba sa dibdib niya ng maglapit ang kanilang mga mukha. Ang sabi nito ay hawakan niya daw ang mukha nito at ito naman pagkatapos niya, lalo tuloy nadagdagan ang kaba sa dibdib niya.

"Ahm, ganito ah...isipin mo na ako yung taong mahal mo" dahil sa sinabing iyon ni Ashley ay nagulat siya.

Alam na kaya nito ang kanyang nararamdaman para dito? Baka naman nahalata nito dahil sa mga kilos niya. Nanlumo siya ng maisip yun pero...

"Para ma-execute natin ng maayos  yungga steps" agad din naman siyang nakahinga ng maluwag dahil sa sunod na sinabi nito.

Ahh, so iisipin ko na ikaw yung gusto kong babae at iisipin mo din na gusto mo ako? tanong niya kay Ashley, napaisip din naman ito sa sinabi niya.

"Mm, Yeah, we need to think that we like each other, you think of me as your crush ganun and I will do the same" kaswal na sagot naman nito.

Lihim na napangiti si Tan. 

KILL THIS LOVE (Ashtan Fanfiction -First Story) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon