"Girl, nakita mo ba yung bag ko?", nagtatakang tanong ko kay Denie."Hala girl! Diba katabi lang naman yun ng bag ko kanina?", nagtatakang tanong din niya.
Sinubukan naming hanapin ang bag ko sa ibang bench at nakita ko nga ito sa medyo malayo.
Paano ito napadpad dito? Di kaya...
Baka napagtripan ng mga Bote Boys yung bag ko. Mga salot talaga sa lipunan!
Agad ko ng kinuha ang bag ko at tuluyan na nga kaming umuwi ni Denie.
BTW. Nilagay ko kase yung bag ko sa isa sa mga Bench. At sa pagkakatanda ko, magkatabi lang naman yung bag namin ni Denie.
Pero baka naman napagtripan lang naman ng mga Bote Boys yung bag ko. Grupo sila ng mga kalalakihan na mahilig gumawa ng gulo.
Halos lahat ng mga estudyante sa school ay napagtripan na nila. At mukhang isa na nga ako doon.
• • •
Ilang oras na ang nakalipas eto Hindi ako mapalagay. Kaya naman kinuha ko nalang yung bag ko at sinubukang hanapin yung bag ko.
Pero napakunot ang noo ko ng mapagtantong Hindi ito ang mga gamit ko! At mas lalong Hindi ito ang bag ko!
Tiningnan ko ang mga note book para malaman kung sino ang may-ari ng bag na ito.
'Kyle Lewis Aragon'
Omg! Nakalimutan ko na magkaparehas nga pala kami ng bag ni Kyle.
So wala palang kasalanan yung mga Bote Boys na yun. Hehe.
Si Kyle, ay ang lalaking ubod ng kayabangan, katarantaduhan, at kakulitan. Pero di ko alam kung bakit mas lalong nabubuo yung araw ko kapag inaasar niya ako.
Palagi niya akong ginugulo. Para siyang anino na sunod ng sunod. Wala rin siyang iba ginawa kundi ang asarin ako. Sigurado ako na sinadya niyang pagpalitin yung bag namin para asarin ako.
Grr. Humanda ka talaga sa akin Aragon!
Naputol ang pagpatay ko kay Kyle sa isip ko ng biglang tumunog ang phone ko.
"Hello?!", galit na tugon ko sa tumawag. Panira ng moment eh tsk.
"Oh, bat ka galit Miss Gorgeous?", mapang-asar na sagot niya.
Aba hayop talaga!
"Hoy Kyle! Kapal ng mukha mong hayop ka! Yari ka talaga sa akin!"
"Easy ka lang Lisha, kaya ako napatawag para mapagpalit na natin ang mga bag natin. At wala ako kasalanan dito ha. Hindi ko sinadya na magkapalit mga bag natin. Sorry na talaga", nagulat naman ako sa huling sinabi niya. Totoo ba ito? Nagsosorry ang isang Kyle Lewis Aragon? Mukhang bago yun ha.
Mukha naman sincere ang paghingi niya ng tawad kaya papatawarin ko na.
"Tsk. Sige na nga pinapatawad na kita. Pero marami ka pang kasalanan sa akin noh!", inis na sambit ko.
"Alam mo ba na mas lalo kang gumaganda kapag nagsusungit ka? Pero sobrang cute mo naman kapag ngumingiti at tumawa ka", seryosong sambit niya. May bigla akong naramdaman kakaiba, para bang biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko. At Hindi ko alam kung bakit.
"Pwede ba Aragon 'wag mo nga ako pagtripan"
"Haist, sige na nga. Basta bukas magkita tayo sa may park. 2 pm. Don't be late", sabi niya. Magsasalita pa sana ako ng bigla na niyang pinatay ang tawag. Bastos talaga grr.
•••
Kinabukasan ay pumunta nga ako sa park katulad ng napag-usapan ni Kyle.
Pagpasok ko palang sa park ay tumugtog bigla ang isang musika.
(Playing: Perfect By: Ed Sheran)
Habang palapit ako ng palapit kung saan nagmumula ang kanta, ay kasabay din nito ang kabog ng aking dibdib.
At kitang-kita ko nga ang lalaking palaging sumisira at bumubuo ng araw ko.
Walang iba kundi si Kyle.
Bakit may ganito? Anong meron? Bakit kumakabog ng ganito ang puso ko? A-at Bakit may hawak na bulaklak si Kyle?
Napahinto ako ng mapagtantong nasa harapan ko na pala siya.
Hindi ako makapagsalita dahil Hindi ko rin alam kung ano ang dapat kong sabihin.
"Elisha Villanueva", siya rin mismo ang pumutol ng katahimikan.
"Hindi ko alam kung anong nakita ko sayo... Hindi ka naman ganon kaganda, flat chested ka din, para ka ring lalaki kung kumilos, ang takaw-takaw mo --- ARAY!", hindi na niya naituloy pa ang kanyang sasabihin ng bigla ko siyang kurutin sa kanyang braso at tiningan ng masama.
Napangiti naman siya dahil siguro sa isip niya ang panalo na naman siya dahil naasar na naman niya ako.
"Pero ikaw lang yung babaeng nagpapasaya sa akin araw-araw. Tuwang-tuwa ako kapag naasar ka sa akin. Hindi rin kumpleto hung araw ko kapag Hindi kita nakikita. Gusto ko ako lang yung lalaking nakakakuha ng atensyon mo. Gusto ko ako lang din yung mamahalin mo", napanganga ako sa mga sinabi niya.
Dahan-dahan niyang iniabot sa akin ang bulaklak na hawak niya. Napangiti naman ako dahil sa ginawa niya.
"Lisha hinding-hindi na ako papayag na maagaw ka pa ng iba sa akin. Simula ngayon, liligawan na kita. Sa ayaw mo man o sa gusto", lalo naman akong napangiti sa sinabi niya.
"And last. Lisha, alam mo ba na Hindi tayo tao, Hindi tayo hayop dahil...
..BAGay Tayo"
---------[ AUTHOR'S NOTE: ]
HI! THIS IS MY FIRST EVER ONE SHOT STORY. THANKYOU SA MGA NAGTANGKANG BUMASA DITO KAHIT NA CORNY SIYA HIHI.
BINABASA MO ANG
BAGay Tayo [ ONE SHOT STORY ]
Short StoryNagsimula ang lahat Ng mag-kapalit ang aming mga Bag.