Angelu's POV
" Punyeta naman oh! Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na ayaw kong makita ang pagmumukha mo? Alis!" sigaw ng aking ama at sinampal ako. Ano pa bang bago? Ganito na lang ang nangyayari sakin araw- araw. Namamanhid na nga ata ang katawan ko eh.
Ako nga pala si Angelu Louvienne Reinnefort. 13 years old pa lang ako at isa akong ampon. Yung lalaki kanina ang ama ko, isa siyang tsuper at lasinggero. Palagi niya akong sinasaktan pero binabaliwala ko lang . Ang galing noh? Syempre tuloy lang buhay. Asawa niya yung umampon sa akin, si Mama Lorien pero pumanaw na siya noong 7 years old ako. At don nagsimula ang pang aabuso sa akin. Wala din naman akong magagawa dahil pinagbantaan niya ako. Papatayin niya daw ang mga kaibigan ko pag nagsumbong ako.
Hala! May pasok pa nga pala ako. nagmadali akong naligo at sinuot ko na ang sweater ko at naglagay ng foundation. Alam niyo nanaman siguro kung bakit diba?
Tumakbo na ako papunta sa eskwela, mahirap na pag nalate ako." Hi Angelu!"
"Good morning Angelu!"
"Ang cute nya talaga"
" Tol nandiyan na si Angelu"Hindi naman sa pagmamayabang eh kilala ako sa eskwelahan namin. Maganda daw kasi ako HAHAHA. Sa isang pribadong paaralan dito sa Batangas ako pumapasok. Siguro nagtataka kayo kung paano, isa lang naman akong scholar dito at kasalukuyan akong nasa ikawalong baitang.
"Prinsesa ko! Nadito ka na pala" siya si Andre Ramirez. Isa siya sa matalik kong kaibigan. Bakit 'prinsesa ko' ang tawag niya sakin? Sabi niya sakin, pangarap niyang magkaroon ng kapatid na babae pero hindi natupad yon kaya ako ang tinuturing niyang kapatid.
"Anong prinsesa-prinsesa ha? Sakin si Vienne!" siya naman si Matthew Ramirez. Magpinsan sila ni Andre. Matalik ko rin siyang kaibigan. Silang dalawa na ang tumayo kong mga kapatid. Hindi ko sinasabi sa kanila ang tungkol sa ama ko. Natatakot kasi ako na madamay sila sa problema ko.
" Hello mga unggoy!" biro ko sa kanila. Bigla namang sumimangot ang dalawa. HAHAHA mukha silang aso SHHHHHH
BINABASA MO ANG
Behind Her Smiles
Teen FictionAngelu Louvienne Reinnefort- with her bright smile, anyone who sees her instantly become happy... she looks like an angel fallen from above...girls envied her while boys adored her. But one thing is, are those bright smiles true?