Angelu's POV
" Hello mga unggoy!" biro ko sa kanila. Bigla namang sumimangot ang dalawa. HAHAHA mukha silang aso SHHHHHH wag kayong maingay ah.
"Joke lang naman HAHAHAHA kayo kaya ang pinakamababait na kilala ko!" dagdag ko pa ng makita kong iba talaga ang timpla
ng mukha nila.
"Pinakamabait lang?"sabay nilang tanong sa akin.
" Eh ano pa ba?" nagtataka kong tanong sa kanila.
" GWAPO DIN KAMI!" sigaw nila.
Nginitian ko na alng sila at hinila na papunta sa classroom namin.
Napakabilis ng mga pangyayari at di ko namalayan na recess na pala namin. Sabay-sabay kaming nagpunta sa canteen.
"Ayoko na pumasok! Dumudugo lang yung utak ko!" biglang sigaw ni Andre.
" Anong dumudugo? Eh hindi ka nga nakikinig eh! HAHAHA" balik naman ni Matt sa kanya.
Napatawa na lang ako sa kalokohan nilang dalawa.
Nang makarating kami sa canteen, bumili na silang dalawa ng pagkain nila at bumalik na sa lamesa namin.
"Oh prinsesa, bakit hindi ka kumakain?" tanong sakin ni Andre.
Ngumiti lang ako sa kanya at sinabing, "Busog pa kasi ako, napadami ang kinain ko kaninang umaga." kahit na ang totoo wala pa akong kinakain. Hindi ko rin naman magawang bumili dahil napaka mahal ng tinda dito.
Tumango na lang siya at napansin kong nakatitig sa akin si Matt. Para bang binabasa niya kung anong iniisip ko. Umiwas na lang ako ng tingin. Nakangiti lang ako sa kanila at nakikisabay sa tawanan nila.
Paano kaya kung wala kang pinoproblema?
Yung tipong papasok ka sa school tapos pag-uwi mo, kakamustahin ka ng magulang mo, ipagluluto ka nila. Yung mga ganon. Naiiyak nanaman ako. Ano ba yan! Hay nako Vienne! Kaya mo yan! Ngiti lang! Mabilis na natapos ang araw at wala naman kaming ginawa kundi magkulitan habang nasa klase.
Gaya ng nakasanayan, naglakad ako pauwi. Bago ko buksan ang pintuan, nagtaka ako kung bakit tahimik sa loob. Alas singko na kase at tiyak na nakarating na si Papa, naglalasing na. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at kinabahan ako bigla. Nakita ko si Papa na lasing na lasing na at may hawak pa siyang beer. Nakatingin sya sa akin na para bang may masama nanaman akong ginawa. Tumungo na lang ako biglang paghahanda sa gagawin niya. Laking gulat ko ng pinalo niya ako ng bote sa ulo, sa lakas ng pagpalo niya, nabasag ang bote.
"ARAY! PAPA TAMA NA PO!"sigaw ko. Nanlalabo na ang paningin ko pero pinilit ko pa ring imulat ang aking mata. Saglit niya akong iniwan at pagbalik nya, may dala na ulit siyang beer. Nilaklak niya ito hanggang maubos at ipinalo niya muli sa akin. Tanging iyak na lang ang nagawa ko at nandilim na ang paningin ko.
BINABASA MO ANG
Behind Her Smiles
Teen FictionAngelu Louvienne Reinnefort- with her bright smile, anyone who sees her instantly become happy... she looks like an angel fallen from above...girls envied her while boys adored her. But one thing is, are those bright smiles true?