Kailan? (one-shot)

1.4K 71 26
                                    

A/N: Hellloooo uleeet! Ang tagal na pala nung last story ko. Wahaha! Pasensya na po, ngayon lang ako nagkatime ulit. Busy kasi sa school. Pero, I wanna grab this chance na pasalamatan yung lahat ng magbabasa, magkocomment or kung okay lang, yung magvovote at magfafan.

HAHA!

I dedicate this to one of my loveliest friends. Xai. Yiee, flattered yan. haha! joke :) I love youuu ♥

And, please don't judge the story first. You may say na cliche na 'to, pero just read until the end and find out kung CLICHE nga ba. 

Vote. Comment. Be a Fan.

All Rights Reserved. captured-seconds stories.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

KAILAN?

capturedseconds

“Ayra! Ayra! Good morning!” sabi niya sa akin habang nagpapakawala ng isang malapad na ngiti.

Ngumiti na lang ako atsaka pumasok sa loob ng room.

Habang naglalakad ako papunta sa upuan ko, nararamdaman kong sinusundan niya pa rin ako.

Haaaay. Bakit ba ganito ang buhay? Napakaunfair!

Umupo na lang ako atsaka nilapag yung mga libro sa mesa ko. Armchair kasi. Yung typical sa isang school. Umupo rin siya doon sa tabi ko at nilapit sa tabi ko. Yung tipong sobrang lapit na niya at ramdam na ramdam ko yung mabaho niyang hininga. Ay joke. Haha! Ang sama mo, Ayra! Pero, di nga, naaasar na ako.

Asar na asar.

Bakit hindi na lang si ano? Bakit siya pa?

 Kailan bang siya naman? At hindi itong si Mikel? 

“Psst! Ayra! Ang ganda ng umaga noh?” sabay salita ni Mikel.

“Walang maganda sa umaga!” sabi ko nang mahina. Syempre bulong lang, baka maoffend ko siya eh.

“A-ano?”

“Wala, Mikel. Sabi ko ang ganda ko talaga!” sarcastic kong sabi. Bakit? Totoo naman diba? Haha!

“Alam ko na yun! Kaya nga mahal k—“

“Mikel, diba sabi ko sa’yo pag-iisipan ko pa?” pigil ko pa sa kanya.

“Ah—oo. Ang ganda mo talaga kasi eh!” sabay lapit pa nang mas malapit. Kaya ako? Lumayo nang lumayo. Ang awkward lang kasi eh.

Ayun, dakdak siya nang dakdak habang ako, poker face lang. Eh ano pa bang dapat kong gawin? Dumakdak din? Sus, wag na.

Ako nga pala si Kara Yrai Sanchez. They call me Ayra. Para daw maikli lang. Tss. Campus princess slash perfect girl slash not your ordinary girl slash slash BROKEN HEARTED! Isa pa? BROKEN HEARTED SI KARA!

Malalaman niyo rin kung bakit.

RRRRRRRIIIIIIIIINNNNNNGGGGGG!

Bell na. Discussion na naman. Like what the heck? Bakit ba meron pang ganyan ganyan?! Kung meron lang lesson na How to Fix a Broken Heart, edi sana ginaganahan na ako ngayon pa lang.

Napalingon ako sa pinto.

Nandoon siya. Kumakaripas ng takbo papunta dito.

Tinapik niya yung balikat ni Mikel.

Kailan? (one-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon