Muah! Goodnight. Ingat ka ha.”
Isang malumay at pasweet na bitaw ko. Tinitigan kita sa mata saka ako ngumiti. Akmang tatalikod na ako at hahakbang papuntang kotse ko nang humakbang akong pabalik sayo.
“Ahm.. Sa uulitin ha? Nag-enjoy ako. Sana ikaw din. Si.. Sige Goodnight.”
Tss! Torpe talaga ako kahit kailan. Medyo manginig nginig pa ang boses ko. Sabay talikod ng mabilis at sumakay ng kotse bitbit ang ngiting pabaon mo sa akin.
Tumigil ako saglit sa may kanto. Kinuha ang telepono saka ka itinext.
“Pasensiya na. Konting minuto lang. Ito kasing utak ko eh nangungulit at hinahanap ka kaagad.”
Akala ko hindi ko magagawa yung mga ganun kabaduyan sa katawan. Noong single pa ako halos makornihan ako sa mga lovers na nadidinig kong nagpapalitan ng kasweetan sa buhay. Pero kapag ikaw pala ang nasa posisyon nila at tinamaan ka na ng bagsik ni kupido tiyak baduy ka na rin.
Halos isang oras din akong bumiyahe gawa ng trapik. Madalas kapag ganito eh agad ng umiinit ng ulo ko. Kakaiba ngayon, isang oras akong nakaupo sa sasakyan na tila hindi ako nangangawit umupo. Hawak ang manibela. Pasipol sipol. Ganun nga siguro kapag inlove
Natapos akong naligo at humiga ng kama. Ilan minuto rin ako nakatingala sa taas na para gumawa ng imahinasyon sa aking isipan. Ganda nya talaga. Simple lang ang suot nya noong gabing iyon pero angat ang ganda nya. Hindi ko maiwasan ang tignan sya ng tignan sa tuwing bubuka ang bibig nya at ngingiti. Napapangiti rin tuloy ako. Totoo, hindi ko itatangging sa tuwing titignan ko sya at ang galaw ng labi nya eh gusto ko siyang hawakan sa bewang, haplusin sa mukha, tignan sa mata at ilapat ang labi ko sa labi nya. Pero sa halip na gawin ko ang mga bagay na naglalaro sa isipan ko sa tuwing tititigan ko siya eh nagiging tuod ako. Kinuha ang unan. Halos papikit na ang mata ko nang...
.Miguel! Gising na. Wala si mama mo. Saing ka na daw. Gising sa akin ni lola. Takte! panaginip lang pala si dreamgirl.