.....

39 0 0
                                    

September, 2012

Bago lang ako dito sa Manila,Walang kaibigan,walang alam kahit isa.

School bahay lang lagi hanggang sa nakilala ko yung barkada at ikaw. Una tayong nagkita sa isang bar somewhere sa espana.Hindi ako yung tipikal na nagba-bar talaga naaya lang ako at sa curiosity na din kung ano nga ba itsura ng bar sa loob. Pinakilala ka nila saakin dahil nga isa akong probinsyana inayawan agad kita dahil binubuguhan mo ako ng usok galing sa sigarilyong inihithit mo,laman ka na ng bar,nagwe-weeds ka,at kung ano ano pa.

Hanggang sa nagkatext tayo kasi tinext mo ako,Una di ko masyadong nirereplyan ang mga text mo kasi nga ayaw ko sayo.Pero sinubukan ko kasi sabi ng kaibigan ko na kilalanin pa kita player ka pala ng isang universidad na pinapasukan ko.Isa kang civil eng. masipag sa pag aaral kahit nag babar at player ka.Napag sasabay mo yon,Hanggang tumagal na yung text natin araw araw na nga eh kahit may klase tayo,tumatawag ka naman pag gabi,sabay tayo mag lunch,sabay tayo mag review sa isang tea store na malapit sa school nalaman ko pareho din tayo ng gustong milktea.Tinigil mo na din yung paninigarilyo mo at pag we-weeds dahil pinagbawalan kita,Hindi ka na din gaano nag ba-bar kasi sabi mo hindi ka mag ba-bar hanggat hindi ako kasama,pag may nag aayaya sayo nagpapaalam ka pa saakin.

Napansin ng barkada na sobrang lapit na natin sa isa't isa.Pero sabi nga natin sakanila mag kaibigan lang tayo pero di sila naniniwala saatin.Chill lang tayo sa nangyayari daig pa natin yung mag jowa sa barkada.Ihahatid mo ko sa sakayan pag gabi na akong nakakauwi,Sa school kapag pumasok ako ng di kumakain tapos magugutom ako sa kalagitnaan ng klase isang text ko lang sayo nasa labas ka na ng room namin may dala ka na,Yung kumain tayo sa labas kasama yung dalawa mag jowa sa barkada ikaw nagbayad ng pagkain natin napamahal ka pa kasi gusto mo kong busugin ang dami mong binili para saakin.

Sobra na natin clingy sa isa't isa tipong akala na ng iba may TAYO.pero saakin kaibigan lang tayo na sobrang close sa isa't isa.Hanggang sa umamin ka saakin na may gusto ka saakin.Hindi ko malamang dahilan may saya akong nararamdaman na ewan.

Lalo pang tumindi yung pag sasamahan natin,mas naging sweet tayo,malambing,Hanggang sa nag aya ka mag Yellow Cab kasi kamo nag cra-crave ka sa pizza.Nung nag tinginan tayo,first time kong may naramdaman na weird.Don ko napag tanto na gusto na din kita.Hindi ko sinabi kahit kanino na may nararamdaman na ako sayo kasi nahihiya ako sakanila kasi lagi kong sinsabi sakanila na hindi kita gusto.

Ganon pa din tayo walang nag bago..........

HANGGANG SAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA........

Inaya mo ko manood ng practice mo somewhere sa Sta. Mesa.Nadatnan kitang naka upo linapitan kita tinanong kita bakit di ka pa nag prac-practice sabi mo mainit.Oo nga pala sabi ko sayo magpaputi ka kasi umiitim ka.Natawa ako nung nilabas mo yung Sunscreen  sabi mo lagyan kita hindi mo agad sinabi kelangan mo lang pala ng alalay sa practice mo.EMES! syempre tuwang tuwa ako nahahawakan kita .Sabi mo panoorin lang kita kasi para saakin yung game mo.Natuwa ako kasi napaka energetic mo hanggang sa pinakeelaman ko yung Cellphone mo.May password yung message mo.Inintindi ko yon sabi ko nga baka kasi binabasa ng ka-player mo yung text natin.Chineck ko din gallery mo may password din.Inintindi ko kasi personal files mo yon. Hanggang nakita ko yung Messenger ng facebook binuksan ko di ko akalain na may communication pa kayo ng ex mo.

Syempre etong kaibigan mong feeling girlfriend na ayon binuksan ko BEEEEEEEEEEEEEEEEOM!

"I LOVE YOU BOO!"

"NAMIMISS NA KITA SOBRA :*"

"INGAT KA PALAGI JAN HA KAHIT MALAYO AKO"

Ang sakt sakit! hindi ko alam ang re-react ko pati yung kaibigan natin na kasama ko nagulat kasi ang alam nya wala kang girlfriend.Akala nya kasi ako ang gusto mo kasi sabi mo sakanya yon.

Hanggang naging cold na tayo sa isa't isa simula non.

Hindi na tulad ng dati.Hindi na tayo masyadong nag kikita dahil nasaktan ako kasi di mo sinabi na may communication na ulit kayo ng ex mo.MALI MALI erase erase! nasaktan ako kasi kung kelan gusto na kita ,tinaggap ko na ng buong buo ang pagkatao mo don ko nawala sa buhay ko.Napunta kana ulit sakanya.

Hindi na din tayo nagtetext sa kung dati walang ni isang beses na di tayong mag tetext sa isang linggo,ngayon isang linggong wala na tayong text.Hanggang isang beses nag text ka,parang may gap na yung bawat text natin sinabi mo 'GUSTO MO KO.....GUSTO MO KONG MAGING KAIBIGAN lang' pucha! Sana naman umpisa pa lang nilinaw mo! edi sana hindi na ako umasa pa!

Hindi ganon ganon lang kadali na pag gusto mong iwan ganon na lang. Pero kaibigan kita inintindi ko yon sabi ko ayos lang wala naman saakin issue yon nag tampo lang ako kasi di mo man lang sinabi na may communication/nililigawan/future girlfriend mo na sya.(kahit hindi yan yung totoong reason)

Wala ng text ulit.Hanggang nag kita kami ng isa kong kaibigan na kaibigan nya din sinabi nya saakin na SILA NA DAW, natuwa nga ako nung narinig ko yon di ko alam bakit di ako nasaktan.Nung hapon na yon ngkita ulit kami sa milktea store di ko inaasahan na magkikita kami .Oo nga pala ang tanga ko pareho pala namin favorite ang milktea.Ang Awkward ng pakiramdam para kaming stranger na di alam kung saan mag sisimula hanggang natanong ko sakanya na kung sila na ulit kahit alam ko na yung sagot tinanong ko pa din nung narinig kong sinagot nyang 'OO' don ko lang naramdaman na ang sakit sakit na pag mamayari na sya ng iba.Mas masakit pa na sakanya mang gagaling.Di ko napigilan na umiyak sa harap nya tinanong nya bakit daw sabi ko masaya lang ako para saknila.Tapos binigyan mo ko ng cartoons band aids sabi mo hindi ka na yung laging nanjan sa tabi ko pag nasasaktan ako o nasusugatan para hilumin yung sugat kaya imbis na ikaw ang hanapin ko etong band aids na binigay mo ang hanapin ko dahil kahit wala ka sila yung tutulong saakin pagkatapos mo yun sabihin umalis kana di na kita ulit nakita.Yon na din ang huli nating pagkikita.

hanggang ngayon sila pa rin ng girlfriend nya sa katunayan nga umuwi siya sa province nya ang reason nya saakin pinapauwi sya ng papa nya. Hanggang nadulas yung kaibigan namin na 4th anniv. ng dalawa kaya umuwi sya sinurprise yung girlfriend. Ang sakit sakit lang kasi.

Hanggang ngayon ang sakit pa din.HANGGANG NGAYON GUSTO KO PA RIN SYA.umaasa pa din ako na ako yung babaeng mahal nya.pero mukhang hindi nna mangyayari yon eh.

Bakit ba simpleng ako?Hindi pwede sayo? Ano bang kulang saakin? Tinanggap kita ng buo eh! Alam mo yung Eto na gusto na kita kahit ano pa yung mali mo yung handa ko na ibigay sayo yung lahat saka ganto.Yung kahit mahina tong puso ko kahit bawal MINAHAL KITA MOY pero ano ?Ibebestfriend mo ko.Isa nanaman ako sa nabiktima ng friendzoned.Iintindihin kita kahit ilang beses pa.Papalakasin ko pa yung loob ko para sa kwento mo tungkol sa girlfriend mo kahit dito sa loob gustong gusto ng sumuko kasi ganon kita kamahal kahit nagpapakatanga na ako sayo tanggap ko kasi MAHAL NA KITA GAGO BINESTFRIEND MO LANG AKO.

------------------------------------------------------------------------Moyi

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 07, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sana hindi na lang ako umasa.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon