Kabanata 1
Simula
'Ngumiti kahit na napipilitan kahit pa sinasadya, mo akong masaktan paminsan minsan, bawat sanda...'
"Emerald Xiane Andrada Montecillo!! Wake up! It's the first day of school, papalate kb?"
Kasabay ng pagpatak ng mga luha saking mata dala ng pakikinig sa Nobela, ay ang paggising sakin ng roommate kong gandang ganda sa sarili. Pero SHETTTT! First day of school nga pala ngayon and hindi pa ko nakakagayak! What the hell?!
"Huwag mo nga akong yugyugin, baka mahawa pa ko sa kaartehan mo." pabulong kong sabi kay Khate.
"Anong sabi mo?"
"Wala. Ang sabi ko umalis ka jan at baka masampal kita."
"Che!! Bahala ka na nga jan. Hindi ka pa nagpasalamat at ginising kita!"
No one cares nmn kung walang gumising sakin. As if someone cares about me. Kahit nga wag na kong magising ok lng naman eh. Gigising pa matutulog din naman. Nabuhay pa, mamatay din naman. Hayssss...
Tinanggal ko na ang earphones sa tenga ko at kinuha na ang twalya ko para makaligo na. Bumaba na ko at nagtuloy tuloy sa cr namin. Two story kasi ang dorm namin kaya medyo maluwang. Sa taas ang kwarto ko at sa baba naman ang kay Khate. Mas pinili ko nang sa taas ako mag kwarto dahil mas masikip doon pero mas masinop. Kakaunti lng naman ang mga gamit ko kaya hindi ko na rin kailangan ng malaking kwarto. Pinaubaya ko nalang kay Khate ang nasa baba dahil halata namang sa make up palang niya eh puno na ung isang cabinet na nandoon. Hindi din naman ako nag aayos ng sarili ko kaya konting polbo lang, ok na ko.
Nang makatapos akong maligo ay umakyat na ko at nagbihis ng fit na plain white t shirt and skinny jeans. Ako din yung babaeng malakas kumain pero di tumataba. Kasalanan ko pa ba na sexy akong pinanganak? Hahaha chos lang. 7:30 ang first subject namin, and guess what? 7:26 na!! Shettt! Dali dali kong nilagay sa bag ang isang notebook at ballpen. First day palang naman kaya di masyadong kailangan ng mga gamit. 4th year highschool na ko this school year and i hope na malaki ang ipinagbago ko and especially, ung mga classmates kong hanggang ngayon yata eh mga kilos bata. Ung tipong naka liptint at clay blush na, pero di parin nagmamature. Haysss...
Pagkatapos kong gumayak ay nilock ko na ung pintuan ng dorm namin. Nagdirediretso na ko sa paradahan ng tricycle. Hindi na rin ako kumain kahit nagvavibrate ung sikmura ko kanina pa. Putek, first day na first day ng school malelate ako? Terror pa naman adviser namin this year teh. Ano ng gagawin ko pag di ako umabot?
The time is now 7:45. After ten mins nakarating na din ako sa classroom namin. At tama ang hinala ko. Saktong sakto sa kinakatakutan ko.
"WTH Ms. Montecillo! You're 10 mins late!"
"I'm sorry Ma'am Galvez.. Nalate po kasi ako ng..."
"I don't take my students' apologies. Sa susunod na mauulit pa to, sinisugurado kong sa inyo na suspension ang aabutin niyo. You understand!" Paduro durong monologue ni Ma'am Galvez.
"Yes Ma'am Galvez." sagot ng mga kaklase kong natigil sa pagdadaldalan.
Nagdirediretso na ko sa loob ng classroom ng biglang nagsalita si Ma'am Galvez.
"Sino nagsabi sayong dito ka magkaklase ngayon?"
"Pero ma'am.."
"No buts, no ifs, lumabas ka ng classroom ko. NOW!"
Pasukot sukot akong lumabas ng classroom. Yung iba kong classmate nakadukdok, pero yung maaarte nagtatawanan. Bat ba ganito sila sakin palagi? Kasalanan ko bang naging matalino at talented ako kaya sila ganito? Ang mentalidad kasi nila palaging pambobo. Di naman ako nagmamayabang, pero seryoso, puro ganda lang alam ng mga to.
YOU ARE READING
Nobela
Teen Fiction"Promises are Meant to be Broken" Yan ang paboritong linya ni Emerald sa sarili niya simula nung mapansin niya na ang buhay niya ay para nalang Nobela. Oo, isang nobela. Alam mo yung feeling na yung buhay mo ay parang isang napakahabang istorya pero...