Chapter 1

4 0 0
                                    

"But Ma'am, after 9 consecutive days of working ngayon palang po ako mag d-day off sana. Pahinga pahinga din po pag may time ma'am. Wag mo na po ipagkait sakin please? "

Eto ang mahirap kapag isang empleyado ka lang, lahat kailangan mong sundin or else mawawalan ka ng trabaho. Buhay nga naman, minsan talaga nakakainis din eh. Life is really unfair. Kung sino pa yong halos lahat sa kanya naka asa yong trabaho eh hindi pa nila makita yong worth. Pag ako talaga nakaluwag luwag mag ne-negosyo nalang ako.

"Hey steph, are you still there?"

"Po?"

Patay!  kanina pa pala nagsasalita yong may ari ng coffee shop kung saan ako nag ta-trabaho as Manager.

Meet Madam Barbie, ang bi-polar na may ari ng coffee shop. Minsan mabait, minsan naman ubod ng sungit.

"As what I've said steph, sa Saturday ka nalang mag off. Maraming customer ngayon and I'll be leaving for Singapore meeting within 3 days by 5pm. Kailangan ka sa Shop. Ikaw na muna ang bahala sa operations"

Ano pa nga bang magagawa ko. As if naman may choice pa ako. Kung hindi ko lang talaga mahal ang trabahong to hindi na ako magtitiis dito.

"Okay ma'am " matamlay kong sagot.

"Okay lang kahit na ma late ka basta pumasok ka lang ngayon. Okay bye"

By the way sa mga hindi pa nakaka kilala sakin, I'm Stephanie. You can also call me steph like my colleagues and friends used to call me. Or you can call me whatever you want.

5 years na ako sa ganitong klase ng trabaho. Kahit na kating kati na akong umalis dito kasi minsan nakaka pagod narin ay hindi pa pwede kasi gusto ko pang maka graduate yong mga kapatid ko habang naka subaybay ako sa kanila. 3 months ago ng alukin ako ni Madam Barbie na maging Manager sa isang branch nila sa Singapore pero tinanggihan ko muna yong offer. Ayaw ko pang malayo sa mga kapatid ko kaya tiis tiis muna sa mababang sahod.

Let me tell you something about my family. I have 3 siblings and I'm the eldest. I am in my senior high when our parents died from a motor accident and after what happened ako na yong tumayong magulang nila. Hindi kami mayaman, yong tipong sakto lang ang meron kami. When I graduated from high school I took up Business Management at naging scholar ako sa University na pag mamay ari ng Business partner ni Madam Barbie.  Naging working student din ako yong tipong aral sa umaga trabaho sa gabi and those hard work pays off when I got the highest honor from our batch. Nang maka graduate ako kinuha agad ako ni Madam Barbie para mag trabaho sa shop niya.

Kahit na sobrang busy ko na sa lahat ng bagay, hindi ko parin napapabayaan yong mga kapatid ko.

Pano Sa susunod nalang ulit tayo mag kwentuhan kasi sobrang late na ako.

-------2 hours later------

"Finally you're here! Jusko naman steph para na akong mababaliw dito sa dami ng customer"

"Sorry Ysa sobrang late na ako. Alam mo naman na traffic "

Meet my bff, Vanessa. Nag start yong closeness namin simula ng mag trabaho ako dito.

"Okay lang yon"

Paglabas ko ng dining area, nagulat ako kasi ang dami nga ng customer.

Sa sobrang busy namin hindi ko na napansin yon oras, closed narin yong shop. Hinihintay ko nalang na matapos si Ysa sa mga sales report na ginagawa nya.

"Ma'am matagal pa po ba kayo? Pwede po mauna na kaming mag time out? "

"Sure ken. Konti nalang naman at matatapos na si Ysa. "

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 14, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When Love Goes WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon