Sana... [One-Shot]

157 4 5
                                    

Inlove kaming dalawa.

Ako, sa kanya.

At siya naman, sa iba.

Ang saklap naman ng lovelife ko. -.-

“Di ka pa rin ba magmumove-on friend? Crush mo na siya since 1st year tayo. At may girlfriend na siya oh.”

 

 

 

“Gustuhin ko man friend. Pero ang hirap talaga. Lalo na’t classmate natin siya. Araw-araw ko siyang nakikita. Bumabalik lang lahat ng feelings ko sa kanya.”

 

 

 

Haaaay. Hindi naman ako pangit ah? May itsura naman ako kahit papano. Pero bakit pinagkaitan ako ng love life?

At kung maiinlove naman ako, bakit dun pa sa may mahal ng iba?

Kung pwede ko lang sana turuan ang puso ko na magmahal ng iba.

 Yung taong mas deserving sa pagmamahal ko.

Forever alone na lang ba ang drama ko?

 Ilang beses na akong nasaktan ng dahil sa kanya.

Nasasaktan niya ako nang hindi niya namamalayan.

Pero kahit ganun, mahal ko pa rin siya. Ang tanga ko lang talaga.

Close kame. Sobrang close. Kung wala nga siyang girlfriend iisipin ng iba na kami na.

Sana... [One-Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon