Bestfriend.

47 3 3
                                    

"Jane! Sandali lang! Hintayin mo ko!"

Matagal na kaya akong naghihintay, ikaw nalang Jake ang hinihintay ko..

"Bilisan mo kaseng maglakad! Mas mabagal ka pa sa pagong. Psh!"  

Ganito talaga ako.. Naiinis ako sa kanya. Kaya lang naman kami nagkasabay na umuwi ngayon eh kase magpapasama siya sa bahay nila..

NAG-AWAY NANAMAN KASE SILA ULIT NG GIRLFRIEND NIYA. 

Sa katunayan, magbestfriend kami niyang si Jake Dela Vega. Kaya lang, nung nagkagirlfriend na siya.. Ayun, kinalimutan na niya ang maganda niyang bestfriend. And yes, you got it right.. Isa rin ito sa mga cliche na story.. Ang babae, nainlove sa kanyang bestfriend achuchu. Eh sorry naman, bwiset si Kupido eh! Sa lahat ng tao , bakit bestfriend ko pa ang napagtripan niya na magkagusto ako?

-----------

FAST FORWARD:

Nandito na kami ngayon sa bahay nina Jake. Kami lang at ang mga maid nila ang nandito dahil nasa Business Trip ang mga magulang niya. 

"Jane, akala ko nagbago na siya.. Mas lumala pa pala."

"Sinabi ko naman sa'yo na hiwalayan mo na siya, diba?"

"Mahal ko siya eh."

"Oh, 'yun naman pala.. Eh ba't nage-emote ka pa?! Puta, nasayang lang yung oras ko dito.. Maka-alis na nga! Badtrip! Psh!" Sigaw ko at akmang lalabas na ng kwarto niya ng biglang hinawakan niya ang kamay ko at pinaharap sa kanya.

"Jane, ba't ka ba nagkakaganyan?" tanong niya..

Siguro.. eto na 'yung time para sabihin ko ang lahat-lahat sa kanya. Hindi ko na kaya eh. Ang sakit na ng puso ko. Sobrang bigat na.. Feeling ko any time, babagsak na 'to. Ang sakit eh.

Ako lage yung takbuhan niya 'pag nag-aaway sila.

Ako lage 'yung iniiyakan niya tuwing nasasaktan siya.

Ako lage ang pumupunas ng luha niya sa tuwing umiiyak siya.

Pero.. hindi ba niya naisip?

Kanino ako tatakbo sa tuwing nasasaktan ako?

Sino ang pupunas ng luha ko sa tuwing iiyak ako?

Saan na ang yakap na kailangan ko sa tuwing nalulungkot ako?  

Ang sakit kase.. ni minsan, hindi niya naisip 'yun. Dahil tanging ang girlfriend niya lang ang iniintindi niya. Pero itong bestfriend niya na 'to? WALA. Extra lang..

"JAKE, ALAM MO? PAGOD NA AKO EH! PAGOD NA AKO SA PAGIGING EXTRA SA BUHAY MO! LAGI NALANG ANG GIRLFRIEND MO ANG INAATUPAG MO! ALAM MO.. SIMULA NG NAGKA-GIRLFRIEND KA, KINALIMUTAN MO NA AKO!

KINALIMUTAN MO NA NA MAY BESTFRIEND KA! FEELING KO NGA, GINAGAWA MO LANG AKONG TISSUE EH. TAGAPUNAS LANG NG MGA LUHA MO AT PAMPAWALA NG SAKIT NA NARARAMDAMAN MO! PERO ANO.. PAGKATAPOS NG LAHAT, IIWAN MO LANG AKO?! EH JAKE.. SINO NAMAN ANG TAGAPUNAS NG LUHA KO SA PANAHON NA IIYAK NA AKO? TAMA NA JAKE. SUKO NA KO. MAGHANAP KA NALANG NG IBANG IBE-BESTFRIEND MO!" Sigaw ko at tumakbo palayo dahil alam ko na tuluyan ng babagsak ang luha ko..

Tumakbo ako palayo, hanggang sa napadpad ako sa park. At dito ko na binuhos lahat ng luha ko na nagbabadyang lumabas sa mata ko.. 

"Jane.."

Umiyak lang ako..

"Jane.. sorry. Sorry kung nasaktan kita. Pero alam mo Jane, hindi ko talaga kayang iwan si Hynah. Mahal ko siya Jane. Mahal na mahal.."

This time, nabasag na talaga ang puso ko ng tuluyan..

"Jake, alam mo ba kung bakit sinabi ko ang lahat ng 'yun sa'yo? 'Yun ay dahil mahal kita Jake! M-mahal na mahal.." Humagulhol lang ako ng humagulhol..

"M-mahal mo ako? Jane.. sorry pero hindi ko kayang ibalik sa'yo ang pagmamahal na ganyan. Hanggang bestfriend lang talaga ang tingin ko sa'yo.. Sorry.." At yumuko siya..

Tumayo ako. Kailangan kong maging malakas. Tiningan ko siya sa mata at deretsang sinabi:

"Alam mo Jake.. Masayahin akong tao..

Pero once na pumatak na ang mga luha ko..

'Yan na yung time na ang masayahing tao na 'to..

Ay nasaktan na ng todo-todo."

"Thank you for being my bestfriend Jake. And thank you for using your bestfriend as a tissue. Goodluck. Sana maging masaya ka.."

And with that...

Sinampal ko siya.

Yes, that's my goodbye gift to him. And tumalikod na ako.. At lumakad papalayo. I made sure na hindi ako tatalikod kahit anong mangyari.. Dahil kapag nangyari 'yun.. baka umurong ang mga paa ko at tumakbo ulit papunta sa kanya. Ayoko nang mangyari 'yun. Nasaktan na ako once..

And once is enough for a wise man.. Kaya tama na.

I am Jane Fenele Zanches, the girl who fought back..

But still didn't win in the end..

'Cause love's a game..

The first one who falls.. LOSE.

And I, therefore, lose in the game of LOVE.

------------------------------

A/N: Tapoooos na! Yay! Sana nagustuhan niyo ^o^ HOHOHO! 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 23, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bestfriend.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon