by : YunaRiz
What's the purpose of living in this kind of world where comparison and dissatisfaction are constant things? Yes, the only permanent thing in this world is change. Is it really true? What about Love? What about Comparison and Dissatisfaction? And Pain too? Aren't they permanent?
Do Love and Pain really change? Or they're just there inside your heart and just keep on telling yourself that...they're gone?
CHAPTER 1
Wala na talaga akong magawa, kung anu-ano na nasusulat ko. Ang boring naman kasi. First day na first day of class e late na mga teachers?! Applicable din pala sa kanila yung Filipino time na yan? Pss. That sucks.
Masaya sana e kaso wala pa ko kaclose dito sa classroom. Feeling ko ang weird ng classroom or should i say yung yung mga classmates ko, parang matagal na silang magkakaklase? ANG INGAY KASI NILA! Puro naman chismisan! Tsk.
Ay nga pala, I'm Natalie Mendrez. Nat for short. Transferee ako dito sa St. Bernadette Academy. Fourth year student ako dito. Ay wait... Oo nga pala! Parang tanga lang ako eh noh?? Wahahaha! Malamang e matagal na ngang magkakaklasi ang mga ito kaya close silang lahat. Hahahaha. Ako lang natawa sa joke ko. :(( Bakit ba naman kasi loner ako? Tsk.
8:37am na nang dumating yung teacher namin na adviser din namin. Si Mrs. Gutierrez. Kaya daw nalate e dahil sa inasikaso pa yung isang student.
"Class, meet.." sabay tingin dun sa babae na nakatayo sa harap na nasa tabi naman niya.
"Alyce Kriselle Montemayor po." sabi nung girl. Infairness maganda din siya like me. Haha!
"Oh yeah, Alyce. Idadagdag natin siya sa section niyo since yung ibang section ay sobra sobra na." nakangiti pa si ma'am na parang ewan kung naaasar o ano.
"Ay ma'am, bakit po nasobrahan? Bago po ba siya dito?" sabi nung girl na siya yung napansin kong kanina pang dada nang dada. Psh. Ang pangit ng aura niya sa'kin. Parang pinapalabas niya na ayaw niya dun sa bagong girl. Talaga naman oh.
"Oo and since higher section siya dati eh, dito siya ngayon sa section niyo like you isa pang girl. Ahm.." tumingin siya dun sa bond paper na hawak niya tapos nagsalita ulit. "Ms. Mendrez. San si Ms. Mendrez??"
Nagtaas naman ako ng kamay nun at ibinaba din ulit kasi nakatingin silang lahat sa akin. Yung ibang boys naman nakangiti pa. Sarap tusukin ng mga mata nila! Kala mo naman gwapo eh!
