Ritah
"Paano mo nga ba malalaman kung nakita mo na ba ang The One mo? Pag naramdaman mo ba ang Sparks na tinatawag? Pag may butterflies inside my stomach? Pag may Fireworks sa loob ng large at small intestine? o pag nag twinkle twinkle little star ang mga mata mo?"
"Te ano bang sinasabi ng lukaret na to?" Sabi ko kay Ate Marie,andito kami kasi sa isang session na ewan ko kung ano ba,First timer kami ni ate,tungkol daw kasi sa love ito.
Ayoko ko ngang sumama kaso pinilit ako ni ate,ang boring kaya,kung ano ano ang sinasabi hindi ko naman maintindihan parang shonga lang silang lahat,nakaikot pa kami parang nagtatawag lang ng masamang ispiritu.
"Pwede ba Ritah! manahimik ka diyan baka sapukin kita eh" sabi sa akin ni ate,i just rolled my eyes,mga kalokohan ni ate,kumikerengkeng kasi. "Makinig ka nalang,ako na next ako,tapos ikaw,umayos ka" sabi niya,galit much!?
"Ayun lang naman problema ko,thanks" Nagpalakpakan ang mga taong nakapalibut dito,pinapalakpakan nila yung katabi ni ate.
"Thanks for your sharing,ikaw naman miss..." sabi ni ateng lukaret kay Ate Marie,si ate naman tuwang tuwa pa -_-
"Hi im Marie Lourdes,ahhmm wala naman akong problema sa lovelife,katunayan masaya pa nga ako eh,kaso nga lang ang problema ko ay sa pamilya niya,kasi ikakasal na ako" sabi ni ate,marami naman ang nagcongratulate sa kanya.
"Thanks,anyways ayun nga ikakasal na kami ng lalaking mahal ko,kaso nga lang,hindi kami tanggap ng magulang niya, yung mga kapatid niya ok lang naman,kaso nga yung nanay at tatay niya ayaw,kahit sabihin mo na ikakasal na kami,syempre mas maganda parin kung may basbas ang mga magulang"Totoo ang speech ni ate,ikakasal na siya kay kuya Otep, a.k.a. Oliver,wala lang tawag ko lang sa kanya.
"Don't worry Marie,matatanggap karin nila,tandaan mo walang magulang na gugustuhing malungkot ang anak nila" sabi ni lukaret si ate naman nag thank you pa,yun lang sinabi?
Tumingin naman sa akin si lukaret at parang may hinihintay...
"Bakit?" tanong ko sa kanila kasi nakatingin sila...
"you need to share" la,epal to si lukaret oh! need to share daw -_-
"Nako wala akong kelangan i-share,wala akong love at lalong walang interesting sa life ko" tinignan niya lang ako ng nakakaloka at nag smile pa,ang creepy..
"One day pupunta ka dito..." sabi niya,at tinignan na ang katabi ko,huh? bat naman ako pupunta sa boring na session na ito??
---------------------------------------------
Hayy! Salamat! tapos narin ang boring na session na iyon, pumasok na kami sa kotse ni ate at uuwi na kami,sa tingin niyo ano pa gagawin namin -_-?
"Rits,nag tumawag sa akin si Evah, May bago ka na daw boss,nag retire na si Sir Lorenz"
"B-bago!? Huh? Sino ?"
"Isa sa mga anak daw ni Sir Lorenz"
"Sino nga? tatlo anak nun eh!?"
"Ahh,si ano daw,Cl-Clay bayun? Cleon?"
Si CLEON ??? Ang pinaka kinaiinisan kung Anak ni Sir. Lorenz?
Tang*** Buhay to oh !!!

BINABASA MO ANG
My Crazy Boss
RomanceSi Ritah simpleng babae at mahirap na may kaaway na mayaman at mayabang na lalaki boss niya pa.