Sa gitna ng mundong ibabaw, mayroong kaisa-isang puno, matatag at matibay na puno; walang makasisira rito. Ang punong ito ay pumapagitan sa "daalawang daan." Sa kaliwa, "Yoro" ang tawag, "Kana" naman ang tawag sa kanang daan.
Sa Yoro, ang mga taong nakatira rito ay mga purong masaya. Ang lahat ay positibo at makulay ang mundo para sa kanila.
Samantala, sa Kana ay ang kabaliktaran ng Yoro. Ang mga tao rito ay purong malungkot. Lahat ay negatibo, ngunit hindi naman sa puntong puro pag-aaway ang mga kaganapan dito.
May iisang batas lamang ang dalawang daan, bawal maramdaman ang kabaliktarang emosyon ng kanyang lugar. Kapag nilabag, may kapalit na kaparusahan.
🥭
Magsisimula ang storya sa isang binata, si Dan. Siya ay taga-Yoro. Napakamasiyahin. Paborito niyang tambayan ang punong nasa gitna ng mundo. Iyon kasi ay kahit na malayo, eh 'pag nakarating na roon, mawawala ang iyong pagod at makikita ang kay gandang tanawin.
Bagama't pala-kaibigan itong si Dan, siya lamang mag-isa ang pumupunta roon. Nagbibigay kasi ang partikular na lugar na 'yon ng kapayapaan sa kanyang kalooban.
Habang papalapit sa puno, ay may natatanaw na siyang tao roon — isang dalaga. Siya ay nagtaka dahil siya lang naman ang tao roon sa ganitong oras, pero nasiyahan din 'pagkat magkakaroon nanaman siya ng bagong kaibigan sa panibagong araw.
"Kumusta! Ako nga pala si Dan, ikaw anong iyong ngalan?" Kanyang sambit sa dalagang nakatalikod sakanya.
Lumipas ang ilang segundo ay hindi parin sumasagot sakanya ang dalaga.
"Huy-" Aniya habang susubukang kalabitin ang dalaga na kaagad namang tinapik ang kamay nito.
"Hindi raw ako marapat kumausap at pumayag na hawakan ng mga taong hindi ko kilala..." biglang salita ng dalaga habang humaharap kay Dan.
Nang makita ni Dan ang mukha ng dalaga ay mas lalo siyang naging interesadong makilala ito. At bakas din sa pagsasalita ng dalaga na malungkot ito.
"Eh kaya nga ako nagpapakilala para makausap kita, nang sa gayon kilala mo na ako." Nakangiting sabi ni Dan sa dalaga.
"May punto ka, pero ang kilala ko lang sa'yo ay ang pangalan mo."
"Edi ano pa bang mga impormasyong kailangan mong malaman para makilala mo 'ko nang husto at para magkausap tayo?" Tanong ni Dan na hindi parin matanggal ang ngiti sa mukha.
Nakita sa mukha ng dalaga na nag-iisip ito ng maitatanong sa binata. Napaisip din ang binata ng maaaring gawin para makipag-usap itong dalaga sakanya.
"Ay alam ko na!!" Sabi ni Dan sa dalaga na nakuha ang atensyon. "Magtanungan nalang tayo, para makikilala mo 'ko, makikilala rin kita."
"O sige, ako una." Sabi ng babae na may lungkot parin sa pagsabi ng mga kataga. "Taga-Yoro ka 'no?"
"Oo." "Kanina ko pa 'to napapansin, pero ikaw taga-Kana?"
"Oo rin." "Bakit ka nandito?"
"Ito kasi ang lugar na nagbibigay sakin ng ginhawa— kumbaga napapalagay yung kalooban ko 'pag natambay dito, ikaw, ba't ka nandito?"
"Parehas ng iyo. Nakakalma ako 'pag tumitingin sa tanawin dito, nga pala, Imo pangalan ko."
Nagulat si Dan nang sinabi ng dalaga ang pangalan nito. Napagtanto rin niyang nag-uusap na rin pala sila.
🥭
Lumipas ang mga minuto— hanggang sa naging mga oras, masaya siyang nakipag-usap sa bago niyang kaibigan na si Imo.
BINABASA MO ANG
Ang Alamat ng Mangga
Teen FictionTakdang-aralin sa Filipino noong ika-pitong baitang, isang taong makalipas ay muling nabasa at naisipang i-publish dito sa Wattpad. Isinulat ng trese anyos na dalaga, na ni-revise at pinahaba ng katorse anyos na dalaga nang muli niyang mabasa. (dami...