Prologue

1 0 0
                                    

"Uno handa na ang lahat" sabi ng kasama niyang babae.

"Sige. Kayong dalawa, pwesto." Malamig na sabi nito sa kanilang dalawa.

"Handa na kami" sabi ng isa pang babae.

"Earphone on"

Si uno ay nakasuot ng dark blue outfit. siya ang leader sa kanilang tatlo. Si dos naman ay dark pink outfit, may pagka childish siya pero magaling maki paglaban at magaling sa computer. Samantalang si tres naman ay nakasuot ng kulay dark violet,siya ang ate sa kanilang tatlo, magaling mag-imbento ng bagong gamit at magaling din makipag laban.

Maikling palda,croptop at naka maskara sila.
Para silang mga superhero sa suot nila, pero ang kaibahan lang, sila ay magnanakaw.

Oo,tama kayo... magnanakaw sila. Papasukin nila ngayon ang Craige jewelry shop- building na pag-aari ng mga Craige- sikat na pamilya dahil sila ang top 1 sa pinakamayamang tao sa kanilang bansa at sa iba pang bansa.

Ang laki ng building. Maraming bantay. Si uno ay sa harap pumasok at bigla nalang pinaputukan ang  dalawang bantay gamit ang baril na may silencer.

"Clear" sabi niya sa dalawa.

"Susunod na kami" sabi ni dos, mula sa kabilang linya.

"Magkita nalang tayo dun sa lagayan ng jewelry. Mauuna nako sa inyo." Sabi ni uno sa kanila

"Sige" sagot naman ni tres sa kabilang linya.

"Sh*t" biglang sabi ni uno.

"Anong nangyayari dyan uno?" kinakabahang tanong ni tres.

"Andami ng bantay. Mukhang mahihirapan akong makapasok dito" sabi niya kay tres.

"Mukhang kailangan kong ihack ang cctv nila" sabi ni dos.

Maya-maya bigla nalang nagmamadaling umalis ang mga bantay at nagtungo sa kabilang side ng shop.

"Nice job dos" sabay na sabi ni tres at uno kay dos.

Pagkahack kasi ng cctv ni dos, pinaglaruan niya ang nag ooperate. Akala ng nag-ooperate nanandun sila sa kabilang side kaya doon nagpuntahan ang mga bantay.

Pumasok na si uno sa kwarto kung nasaan ang mga bagong dating na jewelry.

"Nasaan na kayong dalawa?" Tanong ni uno.

" Malapit na kami dyan" sabi naman ni tres.

Magkakasama na silang tatlo at sila ay may kanya-kanyang bag at doon nilalagay ang mga alahas ng kanilang ninanakaw. May biglang tumunog ng parang alarm at bigla nalang nagsidatingan ang mga bantay sa kanilang pwesto.

"It's showtime" nakangising sabi ni uno habang nakatingin sa mga bantay.

"Itaas niyo ang kamay niyo" sabi ng isang bantay.
"Sumuko na kayong tatlo. Marami kami, tatlo lang kayo" sabi naman ng isa pang bantay.

"Tss puro satsat" sabi ni dos.

Nagkatinginan silang tatlo na parang nag-uusap-usap gamit lang ang tingin. At sabay silang nagpaputok ng baril sa pwesto ng mga bantay.

May hinagis si tres sa pwesto ng mga bantay at nagkaroon ng maraming usok, dahilan para mahirapang makakita ang mga bantay.

Nakalabas na silang tatlo sa kwartong iyon at palabas na sila ng building ng building.

"May nakasunod saatin" sabi naman bigla ni uno.

Tumakbo na silang tatlo patungo sa parking kung saan naroon ang kanilang sasakyan.

"Sakay na bilis" sabi ni uno. Siya ang magda-drive ng kotse nila.

"Putek uno, bakit ikaw magda-drive? Nakaligtas nga kami sa bantay, mamamatay naman kami sa car accident huhuhu" sabi ni dos "Arayy naman ate!" Binatukan kasi siya ni tres

"Siraulo ka dos! Di tayo mamamatay. Mag seat belt kana. Kahit kailan talaga OA ka" sabi ni tres.

"Kumapit na kayong dalawa." Sabi ni uno at pinatakbo na ng mabilis ang kotse...

May nakasunod pa rin na kotse sa kanila at kanina pa sila binabaril. Ayaw pa kasi tapusin ni uno yung laro, at nag-eenjoy pa daw siya. Hindi naman kasi makakapasok yung bala sa kotse nila dahil bullet proof iyon. Gawa lang naman iyon ng matalinong ate nila.

"Tss pagod nako maglaro" sabi ni uno sa sarili at binuksan ang bintana sa gilid ng driver seat at nilabas ang kamay na may hawak na baril at pinaputukan ang gulong ng mga sumusunod at pagkatapos binilisan pa lalo ang pagpapatakbo ng kotse.

"Yuhooo.. putek mga weak ng bantay nilA" sigaw ni dos

"Marami nanaman tayong pera nito."sabi naman ni tres

"Ibibigay natin yung pera sa ampunan" sabi naman ni uno.

"Alam namin... Magna" sabay na sabi ni dos at tres.

"Wala na tayo sa nakawan, kaya Magna na tawag namin sayo" sabi ni dos.

"Huy Marian" sagot naman ni Magna

"Tss" sagot ni dos. Siya kasi si Marian

" Si ate Madi din naman ahh... tinawag kang Magna" si Madi naman si tres.

Sabay-sabay na nilang inalis ang kanilang maskara at sabay na nagtawanan.

________________________________________

Kamusta prologue ko? Hahaha

⚠️PLAGIARISM IS A CRIME⚠️

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 15, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ms. MagnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon