This is a work of fiction. Names, characters, businesses, songs, places, incidents are either products of the writer's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. Plagiarism is a CRIME.
Ito po ay isang maikling kwento at sagot sa aking AUTHOR'S BLOCK.
Isang MALUPET NA SALAMAT sa mga MAGBABASA!
Copyright. All rights reserved. JannaMaePH Oct.16,2014.
Sana magustuhan nyo!
________________________________
Vinz's POV
Nakaupo ako sa isang bench sa ilalim ng puno. Tanaw ko ang kabuuan ng school grounds. Malawak ito at napalilibutan ng bermuda grass. Iba't ibang klase ng estudyante ang aking nakikita. Mga estudyanteng naglalaro ng volleyball para sa P.E nila, mga estudyanteng halos takbuhin na ang school grounds sa pagmamadaling makarating sa classroom nila at mga estudyanteng tambay kagaya ko.
"Zup dre." bati sa akin ni Basty. Kaklase ko sya sa dalawang minor subject at tropa ko na din. "Wala daw tayong klase sa Philo." imporma nya at naupo din sa katabi ko.
"Ganoon ba? E sa sunod na minor?" tanong ko.
"Wala din ata, may meeting daw ang mga faculty." anito na prenteng sumandal.
Tumango lang naman ako bilang tugon na naintindihan ko ang sinabi nya. Kasabay noon ay ang pagring ng cellphone nya. Bahagya nya pang ipinakita sa akin ang cellphone nyang hawak na parang nagsasabing ini-excuse ang sarili nya.
Kaya naman, "go ahead." tugon ko at tumango sa kanya. Bahagya syang lumayo sa pwesto namin upang sagutin ang tawag.
Samantalang ako'y matamang tinitignan lamang ang mga nagvovolleyball at mga estudyanteng dumadaan. Iba-iba ang kurso, iba-iba rin ang personalidad at mannerism. May mabagal lumakad, may mabilis at mayroon din namang pa-sway sway ng mga kamay. May nakatungo at meron din namang nakatunghay na animo'y nag-uumapaw sa confidence. May nerd, may feeling nerd, may friendly, at may feeling friendly.
Hindi rin naman nagtagal ay muling bumalik si Basty at sinabing, "Dre alis muna ako. Nag-iintay si girlfriend." anito na may malapad na ngiti.
Iiling iling naman akong tumango sa kanya habang napapangiti. Halatang seryoso na sya sa bago nyang girlfriend. Kung dati rati ay hindi sya nagseseryoso at ayaw nya ng commitment. Ngayon ay kakaiba na, mukhang natagpuan na nya si TRUE LOVE. Sounds gay. But I believe in it.
Kumaway pa si Basty bago tuluyang makaalis. Samantalang ako naman ay hinugot ang cellphone kong nasa bulsa at pumunta sa playlist ng mga bagong download kong song. Senti, medyo rock at cool. Yan ang mag tugtuging gusto ko. Mga emo songs kung tawagin namin ni Basty.
Now playing: Your Guardian Angel by Red Jumpsuit Apparatus
Intro pa lang ng kanta ay may nakapukaw na agad ng atensyon ko.
When I see your smile
Isang anghel, napakagandang anghel ang nakikita ko. Maputi sya, maamo ang mukha at balingkinitan ang katawan. Nakasuot sya ng fitted denim jeans, royal blue tops at short blazer. Simpleng tignan ngunit napakaganda.
Tears roll down my face I can't replace
And now that I'm stong I have figured out
All this world turns cold and it breaks through my soul
And I know I'll find deep inside me I can be the one
Naging balisa ako ng makita ko syang patungo sa direksyon kung nasaan ako. Ang mga mata nya'y wari hinihigop ako. Ang umaalon nyang buhok ay bahagyang nililipad ng hangin habang papalapit sya sa akin. Parang may mga silver dust sa paligid nya. Ang ganda nya.. Napakaganda..
BINABASA MO ANG
Finding TRUE LOVE (oneshot)
Short StoryNasaan ba talaga si.. TRUE LOVE? Nasa Mt.Olympus ba? Sa Malacanang kaya? O sa Mt. Everest? Let's read Vinz's story of finding his TRUE LOVE. and... Little did the TRUE LOVE know.. He's a gangster. (Short Story) COMPLETED