Kai's POV
*Flashback*
Je's calling
- Yung mga Picture ko habang nagwowork at ang nagsabi ng sikreto ko
Posible kaya na yung babaeng pumasok sa room ko kagabi ? Sya yung may kagagawan ng lahat?
- Si jen ?
- Oo , Tingin ko lang naman
- Tatanungin ko sya .Nung tumawag sa akin si Je , Nag volunteer na ako para tanungin si Jen kung sya nga ba ang may kagagawan ng lahat
Hinanap ko sya ........ nakita ko agad sya paglabas ng room ko- Jen sabihin ko nga sakin ikaw ba Yung dahilan kung bakit nangyari Yun kay Je ?
- Kung Sabihin kong Oo , may magagawa ka pa ba ?
- Bakit mo ginawa yun ? Wala naman syang kasalanan sayo
- Wala ? Ayokong may lumalapit sayo kai
- Bakit ? Sino kaba ? Walang tayo tandaan mo yan Jen
- Ah ganon ! Kapag pinagpatuloy mo pa ang nararamdaman mo kay Je , Sisirain ko buhay nya , Magagawa ko agad yun .
Madami akong fans Kai ! Tandaan mo yan !
- Anong gagawin mo ?
- Sisirain ko ang buhay ni Je , gamit ang mga fans ko
- Pwede ba Jen ! Tumigil kana
- Pag isipan mo ng mabuti kai ! Magiging akin ka or sisirain ko ang image ng babaeng mahal moDahil ayokong masira ang buhay ni Je pumayag na ako sa kagustuhan ni Jen , Alam kong kaya nyang gawin yun ... Kaya Masakit man para sa akin Ginawa kona
Nung mga panahong wala si Je , Palaging sinasabi sa akin Ni Jen " Kapag dumating si Je Gusto ko sabihin mo ang totoo , Sabihin mo sa kanya yung mga salitang paniguradong masasaktan sya "
Pagdating ni Je dito Hindi ko sinabi sa kanya yun dahil hindi ko kaya
Dumating sa point na si Jen na ang nagsabiPaglabas namin ng pintuan ni Je para ihatid nya ako sa Apartment nakasalubong namin si Jen
Nung sinabi na ni Jen na ako yung boyfriend nya tinanong ako ni Je kung totoo nga .
Nagflashback lahat sakin , lahat ng sinabi ni Jen na paninira sa Buhay nyaKaya sumagot na ako ng Oo , nung sinabi ko yun tumakbo sya papalayo , hahabulin ko sana sya kahit na injured ako pinigilan ako ni Jen
- Sige ! Subukan mong habulin sya ! Hindi ako magdadalawang isip na ituloy ang plano ko !
- Please Jen! Kahit sa huling pagkakataon hayaan mo ako
- No words
- Kahit yakapin kolang sya , Huli na ito kaya hayaan mo akoPinayagan nya ako , Yinakap ko si Je kahit na kumakawala sya .
Bawat galaw ko ngayon Binabantayan ni Jen .Pagkatapos ng eksena na yun nag usap kami ni Jen
" lumayo kana kay Je ! Iwasan mo na sya "
Wala akong ibang magawa kundi sundin nalang sya
Kaya nung pagpasok ni Je sa Practice room bigla akong lumabas , umiyak ako nung time nayun habang papalabas ako ng Pintuan. Dahil nakikita ko na nasasaktan yung babaeng mahal ko , yung babaeng nagbigay ng kulay sa buhay ko nung mga panahong iniwan ako ng parents ko ( trainee )At isa pa nung gabing nakatambay ako sa Tambayan namin may nag text sa akin
" Papalapit sayo si Je , alam mona gagawin mo "
Tumayo ako nung umupo sya sa tabi ko at biglang tumawag si Jen
Kinaumagahan naman Nagulat ako pag gising ko nasa loob si Jen at nakaupo
- Bakit ka nandito?
- Kasi naman for sure pupunta si Je dito para samahan ka sa pagpunta sa Sment diba? Yun yung palagi nyang ginagawa kaya panigurado pupunta yun dito
At dahil Hindi mo nasabi sa kanya yung mga salitang ibabato mo sa kanya ngayon mo sasabihin yun ... Mga salitang masasaktan sya
- Para kang Bata jen ! Pwede ba ! Tama na ... Nasaktan na sya hindi kapaba masaya ha ?
Akala moba hindi masakit para sa akin
- at bakit akala mo rin ba Hindi ako nasasaktan ? Ang tagal kong pinangarap na makasama ka Kai
- Baliw kana*Knock*
Kumatok si Je sa pintuan at nakita nya kami ni Jen , Alam ko kung ano nasa isip nya gusto kong sabihin sa kanya na " Je , mali yang iniisip mo , hindi kami magkasama buong Gabi " pero hindi ko magawa
Sinabi kona lahat sa kanya , lahat ng bagay na makakapagpasakit ng kalooban nya , sinabi kona yung mga pinapasabi ni Jen
Para akong tuta na inuutus utusan nya , masakit .. Pero kailangan alam kong darating din sa time na magiging maayos din ang lahat .Mag isa akong pumunta sa Sment , ihahatid sana ako ni Jen pero hindi ako pumayag ....... Hindi kona alam kung anong gagawin ko namimiss kona si je , namimiss kona yung mga ngiti nya .
Feeling ko sobrang sama kona dahil kagagaling nya lang sa sakit at pagmamalupit ng tita nya tapos ngayon sinabayan kopa.... Sorry je but this is all for you ! Saranghae 💖
Je's POV
Nandito kami sa Isang magandang lugar may photoshoot ang Exo kaya aayusan nanamin sila , Maga parin mata ko sa kakaiyak ko ... Nilapitan ko si Kuya baek para imake up sya pero sabi ng manager Nila si Kai daw ang ayusan ko ... Napatulala lang ako bigla at nakatingin sa akin sila kuya baek habang si kai nakayuko lang
Nilapitan ko sya at sinimulan kong inayus ang mukha nya habang nilalagyan ko sya ng foundation nakatingin sya sa akin pero ako Hindi ko sya tinitignan kahit na gusto kong titigan ang mga mata nya ..... Feeling ko namula ako bigla nung nilalagyan kona sya ng Lipstick kasi magkalapit mukha namin .... Pero hindi koparin sya tinitignan ....
Binilisan kona yung pag aayos ko sa kanya after non nilapitan ko yung isang staff sabi ko ayusin nya nalang ulit si kai
Ang hindi ko napansin nung inaayusan ko sya tumulo ang mga luha ko kaya tumalikod ako bigla at pinunasan....Start na ng Photoshoot nila syempre kaming mga staff ready palagi kasi mayat maya aayusan namin sila .... Ang malas ko kasi kay kai ako nakatoka haist! Injured na nga nakuha pa akong paglaruan kakainis !
Photographer : Kai ... Smile
1 2 3 Shot !
Nakasimangot kasi si kai kaya yan tuloy napansin sya ng photographer......
Gusto ko sanang sabihin sa photographer " Ikaw manonh photographer pano ba naman kasi ngingiti yang injured nayan... Intindihin monalang sya "
Hahahaha kakaloka 😅Hindi konaman sya tinitignan kasi wala lang ayokong maiyak nanaman , napaghahalataan tuloy ako nw iyakin .... Haist ! Sumasakit ulo ko ahhh , sumusumpong nanaman ata yung lokong sakit ko nagcocollapse kasi ako eh , lalo na kapag gutom , hindi pa ako kumakain simula kagabi ..... Gusto ko kumain ngayon pero bawal kasi oras nh trabaho
May lumapit sa akin si nanay
- Oh bat pinagpapawisan ka ?
- Po ? ( Hinawakan ko mukha ko pawis na pawis nga ako at ayun nga sumumpong na )
- Nanginginig kamay mo , ano ba nangyayari sayo ?
- Nay Hindi pa ako kumakain simula kagabi
- Pambihira kanamang bata ka
Halika kailangan mong kumain
Nung pagtayo namin ni Nanay bigla nalang akong bumagsak at ayun knock out ........ !******
Icocontinue kopa ba ang pagsusulat ?
Leave a commentHindi ko kasi alam kung may nagbabasa pa ng story ko

YOU ARE READING
Unexpected Love
FanfictionExo L's can read this Enjoy guys💕 Ito ang unang istoryang gagawin ko sana magustuhan nyo Support each other guys Especially our fandom Exo Main Character : Kim Jong In Imagine nyo nalang na kayo Yung Girl Vote and comment