Silent Pain</3 [{One Shot Story}]

8 0 0
                                    

*Lyn's POV*

"Oy psst!" tawag ko sa kanya. Nandito ako ngayon sa cafeteria. Sabay kaming maglalunch.

"Lyn, may kasabay tayo ah." -__- Mukhang alam ko na kung sino yon.

"Oo alam ko na. Tawagin mo na kasi. Tss, kailangan magpapaalam pa sakin?" pambabara ko with matching tawa pa ah.

Umalis siya ng cafeteria. Nakangiti ko na lang siyang sinundan ng tingin habang papalayo. Ngiting unti unti ring mawawala sa oras lang na lumayo siya.

Maya maya din ay bumalik na siya kasama si Gigi. Ngumiti ulit ako.

"Wow sweet niyo naman. Edi kayo na!" pabiro kong sabi. Tss!

"Selos ka lang eh!" Wow lang Franc ah. Ang hangin -__-

Eh, ano naman sayo kung nagseselos ako??

"Oy umayos ka nga. Nasa tabi mo lang yung nililigawan mo." Sa totoo lang hindi naman kami close ng nililigawan niya. Gustuhin ko man maging kaclose siya pero baka hindi ko lang kayanin.

Umorder na lang kami ng lunch namin. Pork brocolli yung akin tapos sa kanila naman yung beef steak.

Umupo na sila sa table. Magkatabi silang dalawa habang ako kaharap nila.

Masaya silang kumakain habang ako eto, pasulyap sulyap sa kanila. NakakaOP kaya. Kayo kaya nasa katayuan ko ngayon :3

Nagsusubuan pa. Nanliligaw pa lang ang lalaking yan ah. Pano pa kaya kung naging sila na.

BIGTI NA!!!!! T__T

Natapos kaming maglunch. Yung dalawa ayon sabay na umalis. Sige lang. Snob na! Ganyanan pala eh.

Umalis na rin ako at pumunta na sa room ko. Lutang ang isip ko kakaisip kina Gigi at Franc. Kung tutuusin bagay naman talaga silang dalawa at halata naman na gusto nila ang isa't isa. Eh ano pa nga bang magagawa ko??

BLAH BLAH BLAH!! Sige lang Sir magturo lang kayo diyan. Wala pa ko sa mood makinig.

Natapos yung buong klase. Uwian na. Medyo nahuli nga lang akong lumabas. Inayos ko pa kasi yung mga gamit ko eh, tsaka nagpolbo at nagcologne. Lumabas na rin agad ako ng room.

"Tsk. Bagal!" aba yabang ng lalaking to ah!

"Eh, oo na! Dapat kasi hindi mo na ko hinintay. Dun ka na lang sa Gigi mo sumabay pauwe. Mabagal pala ako eh!" pambabara ko. Masanay na kayo. Ganyan talahga ako, pag nasasaktan dapat hindi pinapahalata.

"Ayoko! Tara na nga. Pagong ka talaga." napasalubong ang kilay ko dahil sa sinabi niya.

"Joke lang. Tara na nga!" Tsk pambihira.

Nag abang kami ng taxi. May sarili po kaming sasakyan pero tinatamad naming gamitin. Walang basagan ng trip! -_-

Palagi kaming sabay umiwi. Parehas lang naman kasi kami ng way eh.

Pinara namin yung dumating na taxi. Habang nasa loob kami ng taxi ay nagkukwentuhan kami.

"Alam mo, ang ganda talaga ni Gigi. Simple lang siya kaya nagustuhan ko siya." Oo na siya na maganda. Ako na panget :3

"Ah. So kamusta na yung panliligaw mo? Galingan mo kasi para sagutin ka na. Kulang ka kasi sa diskarte eh!" Saad ko. Supportive naman ako sa kanya. Kahit na alam kong deep inside sobrang sakit na talaga yung nararamdaman ko.

"Syempre dinadahan dahan ko lang. Ayoko kasi siyang biglain eh. Tsaka handa akong maghintay gano man katagal para sa kanya." -Franc

"Wow ang tweet tweet naman nila. Edi kayo na." Nahahalata niya kaya. Siguro hindi. Magaling kasi akong magtago ng true feelings ko. Ni wala nga maski isa ang nakakapansin eh.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 06, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Silent Pain&lt;/3 [{One Shot Story}]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon