Chapter 2: Welcome to hell

48 0 0
  • Dedicated kay Cesar Valladolid
                                    

Xhiania's POV 

After 569356242632 years

tumigil na ang pag bagsak namin 

'" Andito na tayo " bored na sabi ni Xymark.

"  Nasan na tayo? "  tanong ko.

"  San pa ? edi sa impyerno. " sagot naman niya.

sabagay what should i expect ? eh sobrang sama ko nung nabubuhay pa ako.

"  Tara , punta na tayo kay satan para malaman mo kung saan at kung anung misyon ang gagawin mo "  aniya

sumunod nalang ako. after siguro 10 minutes nakarating kami sa isang templo.

" Ito ang templo ng kasamaan o templo ng impyerno " 

" Ah . Ang laki naman . Dito nakatira si satan ? " 

"  Malalaman mo."  maikling tugon niya.

ayun , naglakad ulit kami . akyat ... lakad ... akyat ... lakad ... . hanggang tumigil kami sa isang malaking pinto. kumtatok si Xymark at biglang nagbukas ang pinto.

"  Tara ?"

tango na lang ang nasagot ko. saktong pagpasok namin nagsara din ang pinto.

" Kamusta ka Xhiania ? "  biglang may nagsalita at umihip ang malamig na hangin 

" Okay lang naman po "  kinakabahang sagot ko.

biglang may lumitaw na lalaki sa upuan nakaharap namin at may dalawang babae rin na animo'y mga linta kung makadikit.

"  Siya ang namumuno o hari dito . Siya si Satan at yung dalawang babae naman ay asawa niya "  pabulong na sabi ni Xymark .

"  Upo ka muna iha. Xymark halika dito , maguusap tayo, girls maiwan ko muna kayo "  hinalikan niya muna ang dalawang babae bago sila umalis.

"  Alam ko iniisip mo "  biglang nagsalita yung babaeng kulot na 'di ko alam ang pangalan.

"  Huh ? iniisip ? "  pagdududa kuno ko.

" oo, pareho kaming asawa ni Satan at ginusto namin yun "

" Asa namang mahal kayo nun " 

"  Haha! , di mo pa ba alam ? sabagay bago ka lang "  bumalik siya sa lamesa at animo'y may hinahanap . Papalapit uli siya at may hawak na lalagyan ng buhangin at tsaka siya kumuha at sinabog sa sahig. Biglang may lumabas na parang papel. 

Ang Batas ng Impyerno

Una- Bawal ang anumang URI ng PAGMAMAHAL

Pangalawa- Bawal kalabanin ang HARI

Pangatlo- Huwag mong susubukang TUMAKAS

Pang-apat- Huwag kang lalagpas sa lugag kung saan ka itinalaga

Panglima- Huwag na huwag mahuhuli sa anumang inutos ng hari "  pagkatapos basahin ay inihipan niya ang papel at bigla itong nawala. Bumalik sa pwesto ang babae at tsaka nanahimik.

Xymark's POV

" Dun tayo sa pribadong silid "

tumango na lamang ako.
" Maupo ka " sabi ni satan

umupo naman ako.
" Gayong bago lamang si xhiania ay ipakilala mo muna siya sa iba niyang kauri , maghapunan na din kayo at ihatid siya sa kanyang tutuluyan. Kinabukasan , ilibot mo siya sa buong impyerno at ipaliwanag ang dapat ipaliwanag. Pagkatapos nyong gawin lahat ng iyon tsaka mo malalaman ang misyon nyo .Maliwanag?"
" oo "
" sige . maaari ka ng bumalik kay xhiania at pakisabihan na din ang mga asawa ko na gutom na ko at maghanda na sila ng pagkain "
" masusunod "

Xhiania's POV

" ang tagal naman " pabulong kong sabi.

................................
" irish at abby maghanda na raw kayo ng hapunan para sa hari "

napataas ang ulo ko at tama , si xymark nga.
" tara na. ipapakilala kita sa mga kauri mo " sabi ni xymark
" ok "

Demons LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon