April 15
*peter pan by exo
Isang magandang at masiglang araw ang bumungad sa Exonemia. Panibagong araw nanamang haharapin.
Lumabas si Yixing mula sa kanyang tirahan. Pumwesto siya harapan sa ng kanyang pinto at doon nag-inat. Napansin niya ang isang bulaklak na lanta na, dahan-dahan niyang itinapat ang kanyang kamay sa bulaklak at dahan-dahan ring tila may liwanag na lumabas mula sa kanyang mga palad at pinalibutan nito ang bulaklak. Unti-unti ay umusbong muli ang bulaklak. He smile and removed his hands as the flower completely recovered.
“Yixing” nilingon niya ang pinang galingan ng boses na iyon.
“Magandang umaga Xiumin” nakangiting bati niya rito. Nakaupo ito sa isang log habang may iniinom.
“Napapadalas na ang mga nalalantang bulaklak ngayon” he said and take a sip of what he’s drinking.
“Tsk. Oo nga eh! Anu ba ang ginagawa ng mga flower fairy dito at mukhang hindi nila naaasikaso ang mabuti?” habang tinitignan din ang ibang mga bulaklak kung sakaling mayroon pang nalalanta.
Di na sumagot pa si Xiumin sa halip ay uminom na lang siya.
Maya't-maya ay lumabas na din ang iba pero kulang. May isa pang tulog.
Gawi na kasi nilang ang gumising ng maaga at syempre dahil na din sa sila ang itinalagang guardians sa Exonemia.
“Guys!, anung pwedeng gawing bago ngayon?” tawag pansing tanong ni Chanyeol.
“Ewan, maglibot-libot na lang tayo, as usual” Chen stated habang kinakamot niya ang kanyang batok.
“Sa loob ng ilang taon, napakaboring, wala naman magaganap na delubyo para maglibot pa” sabi ni Kris na parang kausap ang hangin. Napansin niyang di umimik ang mga kasama niya kaya nilingon niya ang mga ito.
Nakatingin pala silang lahat sa kanya.
“What!?”kunot-noo niyang tanong.
Di nila pinansin si Kris at umalis na lang sila.
“Guy’s? what’s wrong?” wala pa ring pumansin sa kanyang hanggang sa makaalis na silang lahat.
“Oh great!” paalis na sana siya ng may tumawag sa kanya bigla.
“Kris! Saan ka pupunta? Nasaan ang iba? Tulog pa ba? O umalis na?” nilingon niya ito at napaawang lang ang bibig niya.
“Ewan ko sayo!” at tulyan na itong naglakad. Pupunta nalang siya ng palasyo.
“Huh!?” naiwang lutang naman si Suho.
DO POV
Iniwan namin si Kris dahil walang sense niyang pinagsasasabi. Kaya walang delubyo dahil lagi kaming nakabantay. Di nanaman niya pinag-isipan ang mga salitang lumalabas sa bibig niya.
Narito ako sa lugar na maaaring tawaging sementeryo. Trees of soul. Sa halip na graveyard ay puro puno ang nakatanim dito. Sa mismong eksaktong lokasyon na pinaglibingan ng deceased body. Tinataniman ng puno at kapag tumubo ito, sa mismong trunk ng puno ay mahuhulma ang isang figure, ng namatay.
Nagtataka ba kayo kung bakit ako nandito?
May hinahanap ako.
Parents.
*Baby don't cry by EXO
They died when I was six years old. Because of that incident. We don’t know, no one knows kung ano ang nangyari at kung bakit nangyari ang bagay na iyon. Masyado pa akong bata para maintindihan ko kung ano ang dahilan nangyayari noon.