IDENTITY 4

1.9K 93 52
                                    

IDENTITY 4

JEON JUNGKOOK'S POV

Habang naglalakad ako sa hallway, nakarinig ako ng nagsisigawan. Mukhang sa classroom galing yun ah. Tumakbo naman ako para malaman kung anong meron, nakita ko namang nag-aaway sila Aliah at Jhope. 

''Bakit mo kasi nilagyan ng glue yung upuan ko! Ayaw na matanggal nung bag ko!'' sigaw ni Aliah habang nakahawak sa kwelyo ni Jhope. Pinigilan naman sya ni Madeline. 

''Tama na yan Aliah. Tanggalin na lang natin.'' sabi ni Madeline. Napasandal ako sa pintuan. Ang bait ni Madeline. Kahit di nya ko kilala, tinulungan nya ko nung nabugbog ako. Actually, may pasa pa din ako sa mukha. Pero okay lang, nagamot naman na ni Nay. 

Sinamaan ni Aliah ng tingin si Jhope tsaka tumalikod. Tumawa naman si Jhope kaya humarap ulit si Aliah kay Jhope at sinapak nya ito bigla kaya napaupo si Jhope. 

''Ang sakit nun ah!'' sigaw ni Jhope. Biglang nakita ni Aliah yung glue na ginamit ni Jhope kaya kinuha nya yun agad. Nalaglag ata yun sa bulsa ni Jhope. 

''Mighty bond yung ginamit mo!?'' sigaw ni Aliah. Tumayo naman si Jhope. Tinignan ko yung paligid. Si Jhope palang yung nandito? Asan na yung ibang Tropang Bogart? 

Nag-cutting ba sila? Tsk tsk. Mas lalo akong nahihirapang baguhin sila eh. 

''Oo. Sinubukan ko lang naman yung commercial ng mighty bond kung totoo. Mukhang .. totoo nga.'' sabi nya tsaka tumawa. Bigla syang sinipa ni Aliah sa down there nya kaya napahiga sya sa sakit. 

''Mabaog ka sanang kabayo ka!'' sigaw ni Aliah tsaka lumabas ng room.

''ARAY!! ANG SAKIT! KAPAG AKO HINDI NAKAPAGKALAT NG MAGANDA KONG LAHI HUMANDA KA SAKIN!'' sabi ni Jhope habang nagsisipa pa sa ere sa sobrang sakit. Linapitan ko sya tsaka tinulungang makatayo. 

''Dapat kasi di mo ginawa yun. Yan tuloy na-karma ka.'' sabi ko sa kanya. Umupo na ko sa upuan ko at tumabi sakin si Jhope. 

''Lul.'' sabi lang nya sakin habang masama pa din yung tingin sa upuan ni Aliah. 

''Bakit mo ba ginawa yun?'' tanong ko sa kanya. 

Tinaas naman nya yung paa nya, ''Trip ko lang. Ang sarap pagtripan nung tatlong magkakaibigan eh.'' sabi nya habang nakangisi. 

Different Identities of Jeon JungkookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon