Because I'm Stupid

70 3 0
                                    

Yes. This is just a song pero nagawa ko 'to nung mga panahong foolishly in love ako sa isang Jerk. Hahaha.

Kung alam nyo yung song pakikanta. Paki-videohan tas pakita nyo sa akin. Frustrated Singer kasi ako, e.

Game!

Ako'y nahulog sa isang taong alam kong mahal din ako

At ako nga ay hindi nabigo

pagkat ako'y kanyang sinalo, Oh oh

Kami nga ay naging masaya

Nakaranas ng ligaya

Na sa iba'y hindi makikita

pagkat tunay ang nadarama

At kami ay nangako

Na lalaban hanggang sa dulo

Na kami na nga hanggang sa huli

Habangbuhay gawing totoo

Ngunit dahil sa mga awayan

Ngunit dahil sa mga bangayan

Ako ngayon ay nahihirapang

Panindigan ang Pinangako

Panghawakan ang salita ko

Pagka't Mahal, ika'y Nagbago

Minsan na din akong sumuko

Ngunit di rin kinaya ito

Kalauna'y nagkaayos tayo

"Mahal kita" muling bigkas ko

Sinubukang muling mahalin

Ngunit pagbabago'y di maatim

Nanlamig na tayo sa isa't isa

Mahal ko, may pagasa pa ba?

Ayoko nang masaktan o umasa pa sa kawalan

Pagka't lahat ay biglang nagbago

Pagbabagong pinapasan ko

Araw at gabing nasa isip ko

Puso tuloy biglang nagbago

Siguro nga'y mahal mo pa'ako

o Di kayang mawala ko sayo

Pero, mahal, kailangan mong tanggaping

Marami na talagang nagbago

Mahal ko, pakinggan mo ako,

patawad sa nasirang pangako

Ngunit wala na talagang pagasa ito

Masakit ngunit kakayanin ko

Mahirap ngunit tanggapin mo

Wala ng saysay ang pangako ko

- End -

ⓒ 2014 mapaklangtsokolate

Dahil Tanga akoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon