Memories...

824 38 14
                                    

This chapter is dedicated to JanniaNoelleMercado. Nag padedic si ateng,hayaan na. Pagbigyan. Joke lang! I love you, siz! Kayo naman oh ndi mabiro. Kaya ayan . Kung gusto nyong magpadedicate, comment lang kayo. Para naman magkaron kayo ng exposure. Chozzz!!!!!!!! Basta comment lang kayo, Tsaka mag vote din! Dagdag inspiration din on sa author noh! Gege, basa na kayo. Momentum ito ni Jane ha? Kay.

Jane's POV

Gabing gabi na. Tulog na si best, tulog na si Tita Lyra. Ako na lang ang natitirang gising. Naalala ko na naman si Miko eh. Best friend ko dati, best friend namin ni best, bago pa man ako napunta dito sa bahay nila. Si Michael Robles. Isa siya sa mga taong nanakit sakin. Ung sinabi ko dati kay Mama Lei, na mahal na mahal ko pa rin ang mga MAGULANG KO NA INIWAN LANG AKO? HINDI DIN TOTOO YON, HINDI. PURO GALIT, INIS, AT POOT ANG NARARAMDAMAN KO PARA SAKANILA.Alam niyo naman ang atraso at kasalanang ginawa nila sakin, dba? Si Miko naman, iniwan din niya ko eh. I was three years old back then, dinala ako nina lolo at Lola sa park. MagBFF na kami ni best non. Alam na yon nina Lola at Tita Lyra. Habang naghahabulan kami may batang nagtanong samin kung pwede syang sumali. We agreed. Kasi gusto namin ni best ng maraming friends. Ayaw namin ng mga kaaway NOON. Noon lang yon. Kasi nagmature na kami at narealize namin na hindi pwedeng wala kang kaaway sa mundong to. O ede yon nga. Naging best friend din namin si Miko. Then nag seven na'ko. Nagkasakit sa breast si Lola at sa puso naman si Lolo. December 28. Namatay sina Lolo at Lola. Parehong araw at oras din ng dumating si best sa dati kong bahay kasama sina Lola na pumunta na daw ng ibang bansa si Miko. Sa murang edad ko pa lang, naranasan ko ng maiwan ng mga mahal ko sa buhay, ung pakiramdam na laging ako ung iniiwan? Sobrang sakit lang non. Ito ang pinaka masaklap. Nakita kong may hawak na papel noon si Lolo. Syempre nacurious ako. Tiningnan ko kung Ano ang nakasulat don kabisadong kabisado ko nga kung Ano ang nakalagay don eh.

Dear Apo,

Alam mo naman siguro na mahal na mahal ka ng Lola at Lolo mo dba? Siguro patay na kami ng Lola mo sa oras na mabasa mo ito. May sasabihin lang sana kami. Hindi talaga kami ang totoo mong mga magulang. Halata naman siguro sa layo ng agwat ng mga edad natin dba? Haha. Katulong lang kami ng mga totoo mong mga magulang. Iniwan ka nila sa amin dahil inuna nila ang sarili nilang kapakanan. Hindi ko ito sinasabi para kamuhian o magalit ka sa mga magulang mo, pero sinasabi ko ito para malaman mo ang dahilan nila. Sa kwarto namin ng Lola mo, may kahon sa ilalim ng kama namin. Ipangako mo lang sa amin na bubuksan mo lang yon pag nakilala mo na ang totoo mong mga magulang. Pakabait ka ha? Wag kang magpapasaway, matuto kang makontento sa kung Ano mang meron ka. At kung sakasakali na matupad ang pangarap mo na maging singer, wag lalaki ang ulo ah? Maganda naman talaga kasi ang boses mo, kaya di malayong mangyari yon. Hanggang dito na lamang apo, ha? Nanghihina na kasi ang Lolo mo, wag mo lang kalimutan ang ,ba tinuro namin ng Lola mo. Mahal na mahal ka namin, Apo yan ang pakakatandaan mo. Paalam na.

Nasa walk in closet namin ung box na binigay nina lola. Susu din ko lang ung sinabi nya sa sulat

Una, iniwan ako ng mga magulang ko, pangalawa, sina Lolo at Lola, pangatlo, si Miko. Buti na lang at nandyan sina Tita Lyra at si best na handang mahalin,alagaan,at damayan ako. Kaya ang swerte ko sa kanilang dalawa.

Daisy- shhhhhh. -sabi niya Habang hinihimas ang likod ko-

Di ko namalayan na umiiyak na pala ako Habang yakap yakap si best.

Ako- thank you talaga best lagi kayong nandyan ni Tita Lyra sa tabi ko.

Daisy- syempre naman best, love na love ka namin noh. Naalala mo na naman panigurado ang parents mo, sina Lolo at Lola,(close nga sila dba? Kaya close din c Daisy sa Lolo at Lola niya, that's why.) at si........

Natagalan siya sa pagsabi ng pangalan ni Miko dahil sobra din syang nasaktan dahil sa pag alis niya ng walang paalam.

Ako- oo, si Miko nga.

Daisy- lagi naman natin syang nakikita sa school, bakit di pa rin natin siya kinakausap? Miss na miss na miss ko na siya best eh. Napapansin ko din na lagi niya tayong sinusulyapan eh.

Ako- hindi natin siya pinapansin at kinakausap dahil sinaktan niya tayo dito -turo sa utak- at dito. -turo sa puso-. Sa utak dahil hindi na tayo naniniwala sa mga taon nasa paligid natin. Dba, dati. Dati....... araw araw tayong umiiyak dahil iniisip natin na nawala na ung best friend natin. Hanggang sa narealize natin na hindi dapat magtiwala agad sa mga tao.

Daisy- alam mo, tama ka. Hindi dapat pinagkakatiwalaan ang mga ganong klaseng tao.

Ako- nako, matulog na tayo. Tingnan mo, punong puno na ng sad and bad vibes ang room natin.

Daisy- tama ka na naman!

Ako,Daisy- hahahahahahahahahaha!

_____________________________________

Drama ni Jane noh? Di lang obvious,hahahahahaha.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 08, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fangirl......To Daughter?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon