First

6 1 0
                                    

Pre school, naalala mo pa ba yung mga karanasan at kaganapan mo sa buhay ng pre school ka pa lang?

Naiimagine ko yung sarili kong kumakain sa isang tabi ng nilutong pagkain ni maam para sa recess namin. Though, this is just based to what I see right now to pre school students at inaassume kong ganito rin kami noon. Nagtatakbo sa covered court at nagpapakarga sa nanay mong tumutulong sa pagluluto para sa pagkain nyong lahat.

Elementary, eto yung masasaktan yung tenga mo sa unang araw ng klase sa dami ng panangis sa paligid mo at mapapaisip ka nalang ba't sila umiiyak? Umuuwi ng subrang dumi dahil sa krayolang tinasahan mo at sa water color na ginamit mo sa uniform mo at kahit di pa friday naglalaro pa rin kayo bawat hapon ng habulan, Kinder.

Bilang na bilang mo yung mga kaklase mong tahimik lang na nakikinig dahil sa takot sa mukha ng teacher nyo at sa hindi mo maintindihang english words at mapapatakbo ka sa cr at hindi na uupo sa basin sa pag ihi at tatayuan naman pag napupupo at tatawagin si teacher at magpapahugas ng pwet dahil nasanay na simula ng kinder ka. Walang katapusang pagbabasa sa reading section at pipiliin yung may mga magagandang larawan at yun ang aatupagin at minsan pa'y tinataklob sa ulo ang libro na mas malaki pa ata sa bag mo, tulugan na ba to o taguan?,  Grade 1.

Mapapatakbo pagkatapos magpaalam sa teacher na iihi pero pupunta lang palang likod ng room para sauluhin yung equivalent ng roman numerals at babalik ng room na animo'y nakipagkarerahan sa cheetah dahil sa pagtaas baba ng balikat mo, X ay sampu, V ay lima, I ay isa, ano pa nga ba iyon, at di pa nakakarating sayo ang sasagot sa tanong at makakalimutan mo ulit dahil sa antagal makarating kung kaya't magpapaalam ka ulit (kasabay mo nga pala yung mga karow mo). Dagdag mo pa yung mga nakakalitong numero na may mga hindi ka pa maintindihang proseso sa pag minus kung kaya't gagamitin mo na lang ang kuhit kuhit ( ), o di kaya xong kamay mong wala ng kuko sa kangingitngit mo at paa mong may mga cuticles pa na iba iba ang kulay, Grade 2.

Wais ata to!  Kung kaya't isusulat mo sa kamay mo ang mga sagot pati braso'y nadamay sa haba ng isinulat mo at mapapangaganga ka na lang dahil hindi pala division ang tinanong dahil di ka nakinig at busy sa pagsulat kundi ang di mo maintindihang kwarter ng orasan kung kayat sa huli napasama ka rin sa mga kaklase mong pupunta sa likod, kukuha ng libro at ilalagay sa braso, squat, ang pinakatatakutan mo at swerte na lang talaga kung malapit na yung time pero oo nga pala, iisa lang yung teacher nyo sa lahat ng subject, Grade 3.

Dito mas naging wais na, lumilipad na sa room ang mga sagot na kinakailangan nyong magkaklase, airplane with the answer ang tema pag tumalikod yung teacher nyong absinero, swerte ng mga kaklase mong nag aabang na macrashan ng eroplanong pinalipad ng mga kaklase mong confident sa mga sagot nila, akala mo naman talaga tama!  Nakita mo yung crush mong tumitingin din sa taas kung kayat plinano mong maging piloto din pero sa kamalas malasan, yung ulo ng teacher mo ang nalandingan at mapapadyak ka na lang dahil may paPS pa yung sulat mo sa bandang gitna pagkatapos ng sagot ng Eto yong tamang sagot, kopyahin mo.. -*toot* ♡, resulta?  Labas ng room ka kasama mo yung upuan mong pinaglipasan at pinagkaitan din ng panahon, Grade 4.

Maiinis ka sa mga grade 6 na nagbabantay ng gate pag uwian na at mag oover the bakod ka na lang, wala nga pala kayong bakod, kagubatan lang kayat susuungin mo kahit na natatakot ka kung may ahas ba pero di mo naman alintana dahil sigurado kang di ka ang mauuna dahil halos kalahati sa room nyo yung mga kasama mo sa hindi pag attend ng walang katapusang flag ceremony at mga anunsyong araw araw mo ng naririnig bawat hapon at pagkatapos suungin ang kagubata'y didiretso sa labas ng gate, ipagmamayabang pa sana sa mga grade 6 na nakalabas ka pero nakita mo yung crush mong patpatin pero magaling sumayaw kaya't kukunin mo yung bag mong jansport na lokal at ipanghaharang mo sa mukha mo at magsisimula ng tumakbo pabalik ng bahay, Grade 5.

Dito mo babalikan lahat ng alaala simula kinder hanggang ngayong grade level mo, kumukuha ng life lesson na ipapamahagi mo sa mga kaklase mong bida bida sa school nyo at sa mga taong nandun sa gabi ng iyakan at moment nyo, ang tagal nyong inintay magkaklase to, oo nga pala valedictorian ka at mapapatanong ka, anong nangyare?  At marerealize na, iba ka talaga! Pero bago ang lahat,  nag away muna kayo ng bestfriend mong salutatorian at naging kaibigan mo yung first deserving at aba kampihan na labasan ng baho, pero mag iiyakan naman at magyayakapan pagdating ng graduation, ay naku! Babalikan ang ginagawa ngunit  naiihi ka't pupunta sa cr nyong ang layo naman pagbukas mo'y waring nauntog ka sa hilo ng nararamdaman mo dahil sa hindi mo maintindihang baho, ang papanghi at baluga ng mga kaklase mo't di binubuhusan ang basin nyo kung kayat wala kang choice kundi sa grade 1 o di kayay sa kinder na may pinakamalinis na cr at magpapakabait at magchichikahan sa teacher bago pa pumihit at umihi, Grade 6.

Highschool, mas masaya daw ang level na to?  Aba naman, MALI!  Eto yung pinakamasaya dahil pupunta ka ng bayan at maalibadbaran sa kapatid mong 4th year na at ang bilis bilis maglakad at ang papangit ng kasama, magkakaibigan talaga!, at kung ano anong sibasabi na animo'y mga taga kabilang planeta, narealize mong english pala, kailangang mag english paglunes, rule 101. Makakabuo ng barkada at sabay nyong kaiinisan yung ibang year level sa di maintindihang rason at yung nga nagsisidaan sa corridor nyong kung makatawa'y parang kinikiliti ang mga blank, at susugurin yung ibang section na may dala pang walis pero magtatakbuhan naman pag nakita nyo yung adviser nyo, akala mo naman talaga!  Maglilinis sa malawak na oval at magchichismisan at sabay nyong lalaitin yung nagmamando sa inyo't magsasabi ng, saan na yung binayad namin para sa maglilinis neto?  Ibalik ang miscellaneous namin! at balik ulit sa matimtimang paglilinis pag dumaan yung mga teacher nyong nagkwekwentuhan. Magiging crush yung AP teacher nyong ang gwapo at bagong teachers at manghihinayang na hindi nyo man lang naging subject teacher at syempre kagigilan yung mga sikat mong kaschool mates sa pagkatalented, gwapo, athletic at pagiging matalino at hahuntingin yung mga karibal mo. Magtatalon pag yung seksyon nyo ang napili sa pagdedemohan dahil sa libreng pagkain at bonus pa't ang gwapo ng demo teacher nyo, kagigil! (anlandi ha!). Masstress ng nalaman na meron pa palang shs at magdedemand ng room dahil nakikita mo yung g11 na sa grandstand lang nagtitipon at nagkaklase o di kayay sa room 3 under the tree at napagbigyan nga yung batch nyo pero wala namang kuryente at kulang sa mga kagamitan, talaga naman oo! Dahil mas mulat ka na sa kaganapan ngayong SHS ka na, itatanong mo na lahat ng bagay, asan na yong napupunta sa girlscout na 50 at red cross na bayad sa miscellaneous fee nyo, bakit piso ang bayad sa kalahating PTA meeting permit, ba't andaming project, bida bidang maglilead sa harapan ng maraming estudyante sa flag ceremonies at magpepeke ng excuse letter dahil nalate sa first subject para lang makakuha ng exam at syempre ang level up kopyahan nyong magkaklase.

All About CollegeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon