*KRING* *KRING* *KRING*
" Hoy gising na !!! hoy ano ba gumising ka na !!! " pilit ka siyang ginigising habang niyuyugyog ko pa
" HOY GUMISING KA NA NGA!!! Recess na. Paboritong subject mo na. Hoy dali na kasi punta na tayo ng canteen " ako
Hiiiii!!!! *wave ng kamay* ehem Yesha Ramirez nga pala at yung ginigising ko si Thunder Evans yung bestfriend ko simula nung 1st year highschool kami. Ngayon ay 4th year na kami pero hindi pa rin siya ng babago puro tulog pa din.
*PAK*
" Aray ko naman bakit ka ba ng hahampas ?? " halata sa boses niya na bagong gising lng siya
" Eh kasi naman kanina pa kita ginigising. Palibhasa tulog mantika ka " mataray kong sagot sa ka niya habang nakapamewang pa.
" Ay ganun ba ?? Sorry naman. Tara na nga sa canteen " parang biglang nabuhay yung diwa niya at hinablot ako at hinila ay hindi pala hinila, kinaladkad ako papuntang canteen
*CANTEEN*
" Hooo. Grabe naman pare ang taas nung binaba natin 3rd floor kaya yun tapos ang layo pa nung tinakbo natin " ako habang hinahabol pa din ang hininga ko at ganun din siya
" hahaha ganti ko yan sayo ginising mo ako sa masakit na paraan, kaya bumaba tayo sa nakakapagod na paraan. BWAHAHAHAHAHAHAHA... " sabi niya nung makabawi siya sa pagkahingal
*PAK*
" ARAY KO!! " sigaw niya
Tumakbo na ako pagkatapos niyang sumigaw kasi alam ko na ang sususnod na mangyayari.
" Tumakbo ka na hanggang kaya mo dahil pag naabutan kita lagot ka sakin " siya habang hinihimas pa yung ulo niya na hinampas ko
Haha Ganyan kami parati ni Thunder simula nung naging magbestfriend na kami. Magkukulitan . Maghahabulan . Maggagantihan .
" Haha naabutan din kita " sabi niya kaya hinanda ko na ang pisngi ko dahil pipisilin na niya ito
" ARAAAAAAAAY!!! tama na please mashakit na yung pishngi kooooo " sabi ko hapang pinipilit kong tanggalin yung kamay niya sa pisngi ko.
" Wait lang... Ayan tapos na " sabi niya tapos binitawan na iya yung pisngi ko
" Mashakit yung ganti mo " ako
" Upo ka na dun sa may bandang gitna .. Ako na ang bibili ng pagkain mo, ililibre na lang kita " sabay alis
Sa totoo lang matagal ko na siyang gusto and I'm willing to be his bestfriend kung dun kami mas mapapalapit sa isa't isa. Buti na lng mabait siya at pinagtitiisan niya ako kahit na may pagkasadista ako.
"oh pagkain mo " sabay abot ng binili niyan pagkain sa akin
" Salamat " sagot ko sa kanya sabay kain sa mga binili niya
" Walang problema basta ikaw " sabay subo din nung pagkain niya
" Buti napagtitiisan mo ako kahit na sadista ako minsan " pag-oopen ko ng topic
" Syempre pagtitiisan ko yun kasi ikaw lang ang tunay at walang kapantay at mahal na mahal kong bestfriend " siya sabay ngiti sakin
Okay na sana kaso sa tuwing sinasabi niya ang mga salitang iyan palagi na lang may kasunod na "BESTFRIEND". Ano pa nga ba ang inaasahan ko eh bestfriend lang naman ang turing niya sakin. Ang sakit lang parang isinampal sayo ang katotohanan
" Ahaha ganun? Hmmm ang sarap talaga ng pagkain dito " pag-iiba ko ng topic. Ang tanga ko din ioopen ko yung topic na ganun tapos iibahin ko din.
" Oo nga, pero parang mas masarap ang pagkaing niluto ngayon kaysa nung nakaraan?? Siguro inspired yung nagluto nito " siya
" Siguro nga " sabi ko
Ako EXPIRED na kakaintay na magustuhan mo. Nakita ko siyang sumubo ng sunod sunod na halos mapuno na yung bibig niya
" *cough* *cough* *cough* penge *cough* ako ng *cough* tu *cough* tubig *cough**cough* " nahihirapan niyang sabi
" HALA!!! Saglit lng bibili lang ako ng tubig " tumakbo na ako at bumuli ng tubig
Nanginginig ako habang bumibili ng tubig. Nung makabili na ako ng tubig tumakbo na ako pabalik sa upuan namin at inabot sa kanya yung tubig.
"Hoooooo!!! Salamat pare. Alam mo nakakatawa yung mukha mo nung natataranta ka pero syempre maganda ka pa rin naman " sabay ngiti niya ng sobrang lapad
Kahit na nilait niya ako kinilig pa rin ako kasi sinabihan niya ako ng maganda kaya palalampasin ko muna yun..
" Salamat at pinuri mo rin ako kahit may kasamang panlalait muna " ako
" Syempre joke lng yung una maganda ka kaya " siya
Grabe pinakikilig niya ako kahit na hindi niya alam .. 'ANG MANHID MO NAMAN KASI' gusto ko yang sabihin sa kanya.
Matapos naming kumain bumalik na rin kami sa room namin at nagsimula na ulit ang klase..
“ Inductance is the electrical phenomenon which opposes a change in electric current that chu chu chu blah blag blah croo croo croo “ teacher
“ may naiintindihan ka ba? “ pabulong kong tanong ko kay pare ng hindi tumutingin sa kanya
Nag-aantay ako ng sagot mula sa kanya pero wala akong natanggap. Hinarap ko ksiya at nakita kong natutulog na naman pala siya. Ano pa nga ba ang aasahan ko sa kanya eh nakagawian na niya ang matulog sa mga klaseng boring
*PAGKATAPOS NG MAHABANG ORAS*
*KRING* *KRING* *KRING*
" Class Dismissed " sabi ni Sir
" YES TAPOS NA!!! " sigaw ni pare
Naks gising na pala siya galing tsumamba natapos na ang klase
" Mr. Evans Pwede mo naman akong palabasin muna bago ka magdiwang na tapos na ang klase " Sir
" Sorry po Sir . Bukas po tatandaan ko na yung sinabi niyo " pabiro niyang sagot kay sir
" Bye Sir see you tomorrow " sabi ko sabay wave ng kamay ko
" tara na hatid na kita sa bahay niyo. Nagtext kasi sakin si tita na ihatid daw kita "
okay!!! ihahatid niya ako hihihi kiligssss
*PAGKADATING SA BAHAY*
" Salamat ha " ako
" Sabi ko nga walang problema basta ikaw " sabay ngiti na naman
" Di ka na ba papasok?? " tanong ko
" Hindi na pinapauwi na din ako ni mama eh " siya
" Ay okay pakisabi kay tita miss ko na siya ha " ako
" Sige babye na " sabi niya tapos pinaandar na yung kotse. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . nung driver haha akala niyo siya yung nagdadrive noh bawal pa siya magdrive..
Pagkapasok ko nag kiss lng ako kina mama at papa at umakyat na ng kwarto. Ginawa na ang dapat gawin. Nakatulog ako ng may mga ngiti sa aking mukha dahil sa mga nangyari sa maghapon ko
---------------------
Vote and comment po please
Sana po makakuha ako ng mga vote at comment mula sa inyo tatanggapin ko po lahat lahat lahat lahat iyan ng buong buo at bukal sa puso. SALAMAT PO
~ARAYAM
BINABASA MO ANG
Loving You In Silence
Teen FictionIt doesn't have any description :) but please try to read this ... THANK YOU!!