Varsity and my V

219 2 2
                                    

"Besh! Naiihi na talaga ako."

"Una na lang ako besh, andyan na sundo ko eh. Tsaka family dinner namin ngayon kailangan ko na talagang mauna. Ako na lang magdadala nitong mga gamit. Total nakakotse naman ako."

"Ok besh! Thank you. Kitakits bukas."

At dumiretso na nga ako sa gym kung saan lang naman may malapit na CR. Di ko na hinintay sumagot si besh kasi naiihi na talaga ako.

Nasa labas naman yung CR ng gym kaya di ko na kailangan pang pumasok talaga.

"Kitakits bukas pare."

"Sige, una na kayo."

May practice pala mga varsity ngayon. Buti na lang tapos na. Pero naiihi na talaga ako. Kailangan pa kasing bumaba sa ramp dahil parang UG na yung CR. Pumasok na ako sa cubicle. Like duh! Kahit ako lang mag isa ayaw ko pa rin sa urinal no.

*Click*

Habang umiihi ako eh narinig kong parang nilock yung maindoor ng CR kaya nataranta ako bigla. My God! Don't tell me nilock ng janitor. Huhuhu. Feel ko pa naman bagong linis tong CR kaya baka nga kakatapos lang ni manong maglinis.

Agad-agad akong lumabas at sumigaw na lang. Huhuhu

"Manong! Manong! May tao pa po. Huhuhu" Sinabayan ko pa yan ng pag iinarte ha! Ayaw ko ngang makulong dito kaya todo na to.

Pero nagulat ako nang makita ko si Paul, ang Team Captain ng varsity namin, na nakaharang sa pintuan habang nakangiting nakatingin sa akin. Yung ngiting alam mong hindi kaaya-aya. Fu*k! Anong ginagawa nya? Sht! Akala ko umuwi na lahat. Sya ata yung nagpaiwan.

Kilala si Paul sa school. Malamang varsity eh, team captain pa. Aaminin ko, sobrang gwapo talaga nya pero masungit to, tsaka mahangin. Crush ko sya nuon pero ng malaman kong grabe sya kahangin at babaero eh tinigil ko na yung kahibangan ko. Bakla ako pero marunong pa rin akpng mamili no. Hahaha, arte lang. Nasa kanya naman naa talaga lahat eh. Di na maitatanggi yun. Gwapo, matangkad, maputi, malakas ang sex appeal, matangos yung ilong, mapulang labi, talented, tsaka yes po, matalino rin tong gagong to. Syempre bully din, at tingin ko kaya sya nandito para ibully ako. Ano bang ginawa ko?

"Anong ginagawa mo?" Tanong kong kinakabahan at talagang halata po ako kasi pinagpapawisan ako. Madami ng nabugbog na bakla yan sa campus, pero dapat lang naman. I mean sa pagkakaalam ko kaya naman sila bugbog sarado kasi minamanyak na daw nila si Paul. At sa pagkaka alam ko NI MINSAN DI KO SYA NILAPITAN! Kaya bakitttt? Huhuhu

"Hi! Lloyd, right? Gusto ko lang namang makipagkaibigan."

Fu*k sh*t talaga. Alam kong abugbog berna na ako nito. Act normal Lloyd.

"Uhh pwede naman. Hihi. Pe-ro, baka pwedeng bukas na-lang. Ka-kasi nagmamadali ako eh. Gabi na, hinahanap na ako sa amin. Kaya excuse m-me. Pwede padaan. Hihi"

Lumapit na ko sa kanya. Syempre nakaharang sya sa pintuan. Sht na talaga to. Kinakabahan na ako. Like, alam ko na to. Helloooo? Si Paul makikipagkaibigan? Teka, pano nya nga pala nalaman pangalan ko? Aishhh bahala na. Importante makalabas ako dito. Himala nalng talaga. Huhuhu

"Well, idaan nalng natin to sa ibang paraan. Mukhang ayaw mo eh. Aarte ka pa. Ako na nga lumalapit sayo."

At talagang kinabahan na ako nang todong-todo. Nawala bigla yung ngiti nya at naging seryoso sya.

Unti-unti syang lumalapit sa akin. Ako naman atras nang atras. Sht. Ano to? Alam ko na ending ko. Sa pader, tapos dyan na ako pagsusuntukin. Huhu

At dead-end na nga. Nasa pader na ako.

"Teka! A-ano ba kasing k-kailangan mo?"

Nilapit nya yung mukha nya sa tenga kot bumulong na nagpanindig sa balahibo ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 19, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DesiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon