1

0 0 0
                                    

"Neng nag usap kami ng mga magulang mo ayaw na makipagbalikan ng mama papayag ka ba na maghiwalay silang dalawa?" tanong sa akin ng baranggay captain sa baranggay namin

Tumingin ako sa mukha niya at hinihintay ang sagot ko "o-opo maghiwalay na lang po sila ma'am" hoo hirap sabihin

"Bakit naman?? Pwede pa naman magkaayos ang magulang mo"

"Ayoko na po ma'am mas mabuting maghiwalay na lang po sila kaysa uulit na naman po, magkasakitan na naman po ulit sila"

"haayy sige pagpaliban mo na narin para makapag isip-isip ang mag asawa"

That day natrauma ako dahil sa muntik ng saktan ni papa si mama kung hindi ko siya pinigilan at sigawan.

Alam ko rin naman hindi magagawa ni papa saktan si mama dahil kahit kailan hindi nanakit si papa physically.

Masakit lang sa puso dahil ngayon ay magkahiwalay na sila, hindi sila maghiwalay na annulled they are just separated because the process of annulment are very expensive.

Naawa rin ako kay papa dahil may sakit siya sa mata at wala siyang trabaho para magpacheck up lagi.

Kung hindi naghiwalay sila papa at mama magiging maayos kaya ang kalagayan ni papa kung saan saan siya tumuloy para magpacheck up.

Nakakalungkot lang malaman ang nangyayari sa buhay ng isang taong mahalaga sau, kahit man na may nagawang masama si papa noon mahal na mahal ko pa rin siya ngaun.

Ang mama ko naman ay nagtatrabaho sa Jordan isa siyang domestic helper sa ibang bansa nag titiis si mama para lang makatapos kami ng kapatid ko.

At ngaung taong 2019 ay gagraduate na.ako 😊 ang hirap pero masaya ang pinagdaanan ko sa college octoberian ako kaya mga nakuha kong subject dati ay pang third year kaya sa mga ilang sem nag summer class ako at nag advance ng mga subject para lang maaga makatapos sa kolehiyo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 18, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HurtWhere stories live. Discover now