Pucha talaga yung Lolo kong hardcore. Hindi pa nga umiimpis yung bukol ko kahapon, dinagdagan na naman niya ngayon. Ang chismoso eh! Binasa na naman yung pangalawang sinulat ko.
Gusto ko na ngang sunugin 'tong na notebook na 'to pero binantaan niya ako na kapag ginawa ko 'yon, buhok ko naman ang susunugin niya. Eh lintek! Hindi marunong magbiro ang matandang 'yon!
Tapos ngayon, kailangan ko pang punuin 'tong notebook na 'to! Puchang buhay 'to! Pagka-graduate ko talaga, hahanap ako agad ng trabaho at iiwan ko na 'tong pamilyang ito. Magpapakalayu-layo ako. Kaunting-tiis na lang. Next month naman na ang graduation!
BINABASA MO ANG
ARKO
ActionIto ang 'diary' ni Arko. Galing siya sa angkan ng mga mersinaryo. Asahang maraming karahasan, kalokohan, kagaguhan and slightly kamanyakan ang mga sulat niya.