Panimula

2 0 0
                                    

Isang malaki at mataas na pader na kahit sino sa amin hindi alam ang laki at taas nito. Nakapalibot sa buong lalawigan na para bang isa kaming preso na ang bawat galaw, pupuntahan at kakainin ay limitado lamang.

Gabi-gabi may sunod-sunod na putok ng baril, indikasyon mayroon na naman sumubok maka-akyat sa pader na iyon, na kahit sino man wala pa nakakagawa.

Kinabukasan, kakaiba ang araw na ito dahil bakit parang mas dumami sila ngayon kaysa sa mga nakasanayan. At mas naging strikto sila sa mga kilos ng bawat isa, iba talaga ang araw na ito ibig sabihin lang 'yun magkakaroon ng kakaibang pangyayari sa araw na ito.

Habang nakatingin ako sa kanila bigla na lang may humila sa akin, laking gulat ko kung sino ito. Impossibleng nandito pa siya dahil sabi akin ng magulang ko matagal na siyang wala dahil kasama siya sa isang grupo na nagtangkang umakyat sa pader. Pero paano nanyari 'to nakatayo ako sa harap niya at tinititigan siya.

"Kuya...."

"Bettina, kailangan niyo na sumama akin."

Behind The WallWhere stories live. Discover now