Unang Pahina

1 0 0
                                    

-Bettina-

Alas - otso ng gabi patulog na sana ako nang biglang may kumatok sa bintana ng kwarto. Sinilip ko yun at nakita ko sila Raul, Mitch at Liezel.

"Bettina gusto mo sama ka sa amin?" Sabi ni Raul. Isa sa mga kaibigan ko na sobrang pilyo sa lahat ng bagay, kumbaga siya ang payaso sa grupo namin.

"Saan ba kayo pupunta at kumpleto ang barkada?" Sabay lingon ko kay Mitch.

"Balak namin pumunta sa dulo ng pader, dahil may nakapag sabi sa amin sa ganitong oras wala daw nagbabantay sa pader." Sabi naman ni Mitch, siya ang kaibigan ko na walang kinatatakutan kung sino 'man.

"Ha? Sa dulo ng pader, ano na naman ang binabalak ninyo?" Nagtataka kong tanong.

Dahil noong huli namin sinubukan makalapit sa pader na iyon, muntik na kaming mamatay dahil may bigla na lang nagpaputok sa amin. Kaya kaming dalawa ni Liezel, pinaka malapit kong kaibigan na halos ng desisyon namin ay magkaparehas.

"Tina, pagsabihan mo nga 'yan sila Raul at Mitch na tigilan na ang kakaisip na makalapit sa pader. Baka ikapahamak pa natin yun at nang pamilya natin eh." Sabi ni Liezel, siya lang ang tumatawag sa akin ng Tina, mas cute daw pakinggan.

"Oo nga tumigil na kayo Raul at Mitch baka kapag tinuloy pa natin ang pagpunta sa dulo ng pader, baka may hindi na magandang mangyari sa atin." Pag sang ayon ko kay Liezel.

"Ano ba naman kayo, titignan lang naman natin kung anong meron sa dulo ng pader. Tapos kapag wala naman tayo nakitang kakaiba, wag na tayo bumalik pa." Mitch

"Sige na, pumayag na kayong dalawa. Huli na 'to." Raul

"Sigurado ba talaga kayo?" Sabay tango nila.

"Liezel pagbigyan na natin sila. Sigurado wala naman silang makikitang kakaiba doon." Sabi ko kay Liezel, parang nagdadalawang isip pa siya kung sasama ba siya o hindi.

"Sige, pero saglit lang tayo kapag nahuli tayo, lagot tayo sa magulang natin." Liezel

Habang papunta sa dulo ng pader, napatingin ako sa itaas ng pader. Nagtataka kung bakit ayaw kami palapitin sa pader na iyon at ano bang mayroon sa pader na para bang may itinatago sila sa amin.

Pagdating namin may nakita kaming tatlo na nagbabantay sa pader at papaalis sa pwesto nila.

"Sakto lang pala ang dating natin. Tara na" Sabi ni Raul.

Pero bago pa kami makarating sa mismong pader may nakita kaming isang grupo na palapit din sa pader at papunta sila sa isang pintuan. Siguro iyon na yata ang sinasabi nilang daanan palabas ng pader.

Nagtago kami sa isang poste para tignan kung ano ang susunod na mangyayari. Pero laking gulat namin bigla na lang may nagpapaputok ng mga baril sa grupo na iyon.

Hinanap ko kung saan nang gagaling ang mga putok. Nandoon sa itaas ng pader, napakaraming nagbabantay na kahit sino man walang makakatakas sa mga bala ng baril.

"Umalis na tayo." Sabi ni Liezel, takot na takot sa nakikita niya ngayon. Sabay tayo at hila sa akin.

"Saglit lang." Pigil sa amin ni Mitch.

"Tignan niyo, hindi niyo ba sila namumukhaan?"

Tinitigan ko kung sino ba yung sinasabi ni Mitch. Nanlaki ang mga mata ko, hindi maaari sila yung mga taong nawawala mahigit dalawang taon na. Paanong nakikita namin sila dito na isa isa silang binabaril.

"Ano ba! Diba sabi ko umalis na tayo dito, matulad pa tayo sa nangyayari sa kanila." Pagalit na sabi ni Liezel sa amin.

"Sa tingin ko nga umalis na tayo dito. May naririnig na akong mga yabag ng paa palapit dito." Pagsang-ayon ni Raul.

Tumakbo na kami palayo sa pader, habang papalayo napalingon ako sa likuran. Biglang bumukas ang pinto sa pader, may lumabas na may suot na kakaibang damit at isa isa nilang kinuha ang grupo na binaril nila.

Ano yung nakita ko?

Behind The WallWhere stories live. Discover now