Pagpapakilala ng may akda

111 18 3
                                    

Tula na aking nilikha na walang tugma
Hindi para sa'yo, hindi para iba, hindi para sa mundo,
Kundi para sa sarili ko,
Oo, ako muna ang bibida sa tulang ito.

Simulan na natin ang kwento ng isang dalaga,
Isang dalagang lumaking may ngiti sa labi,
Kasayahan ng iba'y kanyang minimithi,
Kalungkutan niya ay iwinawaksi,
Ngunit, sino nga ba ang makakapansin sa mga problema niyang ikinukubli.

Pinalaking matatag,
Pinalaking may paninindigan,at higit sa lahat may takot sa Diyos,
Ito ang naging sandata niya sa hamon ng buhay,
Mga problema niyang pilit na itinago sa likod ng makulay na maskara.
Sino nga ba ang babaeng may ngiti sa labi.

Hayaan niyo akong ipakilala sa inyo ang babaeng ito,
Siya yung tipo ng babaeng kasiyahan ng iba ang nais,
Siya yung handa kang alagaan,
Siya yung mananatili sa tabi mo,
Siya yung babaeng ipakita sa'yo ang kanyang matatamis na ngiti.

Bago nga pala matapos ang tulang ito,
Nais ko sa inyong ipakilala ang dalagang may ngiti sa labi.
AKO! AKO nga pala ang dalagang may ngiti sa labi.


Jangmi
-RoseCinderellanne

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon