PROLOGUE

16 3 0
                                    

Prologue
3RD PERSON'S P.O.V

"Ky~, kain ka na muna oh. Dalawang araw ka nang hindi kumakain jan," sabi ni Kryzel nang pumasok ito sa kwarto ng kanyang bunsong kapatid.

Napabuntong hininga ito nang nakita niyang malungkot na minamasdan ni Kyzn ang makulimlim na panahon sa kanyang bintana. Inilapag niya ang pagkain sa lamesa tyaka lumapit sa kanya at niyakap ito ng mahigpit. "Ky, I know that its hard to accept na wala na sila Ma at Pa. Lahat tayo hindi natin ginusto ang pangyayaring ito, pero we need to accept this even though it hurts. Hindi magiging masaya sila Ma at Pa kapag nakikita nilang ganito ang pinaka maganda na bunso nilang anak,"

Naiiyak na humarap si Kyzn sa kanyang ate at sinisisi ang sarili sa nangyari. "Ate, bakit ako lang yung nakaligtas. Eh ako naman ang may kasalanan kung bakit namatay sila Ma at Pa. Kung pinigilan ko sana yung pumatay sa kanila hindi na sana nangyari to," sabi niya habang umiiyak.

"Ky, please stop blaming yourself already dahil wala kang kasalanan sa nangyari. Please lang Ky, huwag mo nang sisihin ang sarili mo. Alam kong mahirap mag move on pero alam kong kakayanin mo," naiiyak na pagmamakaawa ng ate niya dahil nasasaktan na rin ito na makita na ganito ang kanyang bunsong kapatid. Patuloy na umiyak si Kyzn hanggang sa tumigil ito at mahimbing na natulog.

Kryzel sighed in relief nang narinig niya ang hilik ni Kyzn. Dahan dahan niya itong ihiniga sa kanyang kama. "You are still a kid and ganito na agad ang nararanasan mo. Kung pwede lang sana saluhin lahat ng nararamdaman mo ngayon ginawa ko na sana nung simula palang. I'm sorry Ky,"

Pumunta si Kryzel sa kwarto niya at humiga sa sarili niyang kama.

"Pasok," sabi niya nung may narinig siyang kumatok sa pinto niya. Binunggad nito ang kuya niyang si Kyzer.

"Kahit anong angle ka tignan, ampanget mo parin. Mukha kang unggoy," asar ni Kryzel at tumawa.

Tinignan ni Kyzer ng masama ang kanyang kapatid at sinabing, "Kahit kailan talaga ang sama mo parin sakin,"

"Bat ang tamlay mo. Hindi ka nanaman ba kumain?" tanong ng kuya niya nang makitang hindi maganda ang kalagayan ni Kryzel.

Bumangon si Kryzel sa kanyang kama at tinignan siya.

"I want to take care of Kyzn first before myself. Hindi ko kayang makita siya na ganon," malungkot na sinabi niya.

"But, you should also take care of yourself. Huwag mo namang pabayaan ang sarili mo. If you ever need help, andito lang naman ako," nag aalalang sabi ng kuya niya. "Do you want food? Magluluto ako if you want,"

"Yiee, caring talaga ng kuya ko. Kaya love love ko yan ih," malambing na sabi ni Kryzel.

"Iww, stop that. So cringy. Magluluto na ako," sabi ng kuya niya at lumabas ng kwarto.

Tumayo si Kryzel sa kanyang inuupuan at binuksan niya ang kanyang drawer at inilabas ang kwintas na kumikinang.

"Wala naman akong kwintas na ganito. Pero nung pagkagising ko kaninang umaga nakasuot na to sa akin," nagtatakang inisip niya. Binalik niya ang kwintas sa pinaglalagyan niya at pumunta sa kusina para tignan ang kanyang kuya at dun na rin kumain.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 26, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MY WORLD, YOUR WORLD (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon