Unexpected Meeting

72 3 0
                                    

Naglalakad ang isang lalake patungo sa Canteen pagkatapos nitong mag-enroll sa isang sikat na unibersidad sa kanilang bayan.


Hindi maganda ang kanyang reputasyon dahil sa mga kinasangkutan nitong mga gulo. Dahil na rin sa masamang impluwensya ng kanyang barkada, highschool pa lamang ay natuto na itong mag-inom at makipag basag ulo.


Si Xzy o si Xzyler Ethan O. Grande ay labing anim na taong gulang pa lamang. Pure filipino, may taas na 5'8, singkit ang mga mata, matangos ang ilong, maputi at makinis ang balat.


Dahil dito madalas siyang napapagkamalang koreano.


Bata pa lamang siya ay naghiwalay na ang kanyang mga magulang. Dahil dito dalawa na lamang sila ng kanyang ina sa kanilang bahay.


Dalawa silang magkapatid ng kanyang panganay na ate, tulad nya dito din sa unibersidad na ito nagaral ang kanyang ate. Ngunit dalawang taon na ang nakakalipas ng magpakamatay ang kanyang kapatid.


"Sige na sagutin mo na ako"


"Ano ba! Sabi nang hindi kita type eh. Tigilan mo nga ako!"


"Eh anong bang type mo?"


"Ang type ko yung gwapong singkit! Yung Korean Oppa! Korean Oppa!"


Pauwi na sana si Xzy ng biglang may isang babaeng lumapit sa kanya.


"O my Gahhhhd! Opppppppa" di magkaintindihan ang babae sa kakasigaw.


Di alam ni Xzy ang kanyang gagawin. Matapos ito biglang magsalita ang lalaki.


"Ano ba! Ano bang ginagawa mo dyan sa koreanong hilaw na yan!" sigaw ng di kilalang lalake.


"Anong sinabi mo?"


"Bingi ka ba? Sabi ko koreanong hilaw!"


"Hoy tama na yan! Bakit mo ba sya dinadamay dito?" pag-awat ng babae.


"Bitawan mo nga ako! Di ba type... "


Hindi na natapos ng lalaki ang sinasabi nito ng may bigla nalang may malakas na suntok na tumama sa mukha nito. Sa sobrang lakas ng suntok nito napasubsob ang mukha nito sa semento.


Pinunasan ng lalake ang dugong nanggagaling sa kanyang bibig at dali-daling tumayo upang gumanti ng suntok.


Ngunit bago pa man niya ito magawa ay gumanti na agad ng tadyak si Xzy na tumama sa sikmura ng lalake.


"Hindi mo ata ako kilala?" mayabang na pagkakasabi ni Xzy habang hawak sa kwelyo ang lalake.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 20, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Perfect OppositeWhere stories live. Discover now