one shot

9 0 0
                                    

                                                      MIRACLE RODRIGUEZ POV

  "Ang ganda ni Maui no?"

   Ayan ka na naman. Malayo na naman ang tingin mo. Wala na ba talagang ibang makakakuha ng  atensyon mo kung hindi ang mga magaganda? Cute naman ako ah?

   Halos araw-araw na lang na mag-kasama tayo pinamumukha mo na hindi ako kagandahan. Alam ko naman na hindi ako maganda eh, at tanggap ko yun, pero sana naman dahan-dahan lang, kasi nasasaktan din ako.

  Alam mo ba? Grade one pa lang tayo crush na kita. Eh kasi naman, bakit kasi ang cute mo noon? Pero naaalala ko pa, napaka-bully mo. Laging ako pa yung napagtitripan mo. Naaalala mo ba noong nilagyan mo ng bubble gum yung upuan ko? Napagalitan pa ako ng mama ko noon. Nawala nga yung pagka-crush ko sa iyo noon eh, kaso one second lang.

   Tapos noong nadapa ako noong birthday ko, napaka-cøncerned mo ng noon eh, pero pinapagselos mo lang pala yung may crush sa iyo. Pero ang saya ko no'n kasi nahawakan ko ang kamay mo. Palagi rin kitang binibigyan ng baon, pero binibigay mo lang sa mga chiks mo. Ang balahura mo nga eh, ang bata-bata mo pa lang babaero ka na, pogi ka nga kasi.

   Eh noong grade two? Tanda mo? May transferee na lalaki, hindi na kita crush non kasi pinaiyak mo ko bago matapos ang grade one. Tapos yung bago na yung crush kö noon, ang bait kasi niya. Kinakaibigan nya ako kahit madusing ako, tapos kahit kilos lalaki ako hindi niya ako nilalayuan, hindi katulad mo. Lagi mo akong inaaway noong mga panahong iyon, at ang lalong nag-pawala ng puppy love ko sa iyo ay nang sapakin mo siya. Alam mo ba ang tingin ko nøon sa iyo, napakayabang mo. Hindi ka na nga kasi pinapansin nagpapa-epal ka pa. At dahil sa pag-sapak mo sa kanya, na opis ka, at ang masakit pa sabi mo kasalanan ko. Alam mo bang inis na inis ako noon sa iyo. Sinigawan pa kita noon ng "AY HEYT YU!".

   Hindi kita bati noon hanggang end ng klase, pero nag-sorry ka, kaya nung grade three, ikaw na naman ang kasama ko. Alam mo pakiramdam ko noon besprens tayo. Pero hindi talaga pang-kaibigan ang nararamdaman ko.

  Lagi mong trip ang pony tail ko noon, kaya lagi rin akong napapaglitan ni mama, kasi pag-uwi ko sabog-sabog ang buhok ko.

   Pag-tapak natin ng gradè four lagi mo p rin akong inaasar, pati ang braid ko lagi mo pang kinakalas. Lagi pa rin tayong nag-aaway pero hindi na katulad ng dati na napaka-brutal mo.

  Peyborit ka nga ng mga titser kasi pogi ka,pero ambobo mo kaya. Naaalala mo yung pina-ispel ka ni madam? Pina-ispel niya ang SCIENCE tapos ang sabi mo S-A-Y-A-N-C-E. Ang wagas ng halakhak ko noon, tapos kinaltukan mo ako ng bolpen, kulay red pa nga eh.

  Pag-dating ng grade five pinagupitan ni mama ang buhok ko ng maikli, at ikaw ang may kasalanan noon.Kung hindi mo lang sana laging ginugulo ang buhok ko edi sana ang haba ng heyr ko. Pero marami ka pa rin talagang babae. Hindi na nga ako masyadong sumasama noon sayo eh, kasi dalaga na raw ako. Ikaw naman palagi mong kasama yung mga al al mong kabarkada. Wala na tayong masyadong alaala non, dahil nga may sarili na tayong buhay. Malanding lalaki ka nga kasi.

   Nag-hiwalay na tayo ng school noong first year, pero dahil uso ang peysbuk, lagi mo akong inaasar doon, at dahil nga malanding lalaki ka! Bumalik ang pagka-gusto ko sa iyo, pero dahil alam ko namang hindi mo masusuklian yun, kasi nga langit ka lupa ako. SIYET! Ang drama ko na.

   Mula ng bumalik ka abot kamay nga kita,pero iba naman ang inaabot mo. Alam mo yun? Yung tipong ito ka, ito ako, pero alam mo yun north pole ka tapos south pole ako, bakit kasi ayaw mo sa cute lang? Maganda ang type mo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 07, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

UNSAID FEELINGSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon