Walang Iba (One Shot)

1 0 0
                                    

Sana hindi na lang ako umasa. Para hindi ako nasasaktan ngayon

Sana iba na lang ang nagustuhan ko. Para hindi ako umiiyak

Sana di ko na lang siya nakilala. . .

Edi sana masaya pa ako ngayon . . .

----------

Ilang beses ng nag-away

Hanggang sa magkasakitan

Di na alam ang pinagmulan

Pati maliliit na bagay

Na napag-uusapan

Bigla na lang pinag-aawayan ~~ ♪♪

"Hoy!"

"Hoy! Ano ba Jhean!" Napatigil na lang ako sa pagkanta ng paborito kong kanta nang tawagin ako ni Joshua.

"Ano nanaman?! Kitang kumakanta ako eh! Tsk!"

"Eh kanina pa kaya kita tinatawag! Tss. Iniisip mo nanaman kasi crush mo habang kumakanta." Pabulong niyang sinabi yung last part kaya di ko narinig.

Ano ba naman 'to. Ang ganda ganda na ng pagkanta ko eh. Tapos iniisip ko pa yung crush kong si Jhake. Hayy. Heaven na talaga 'to. Yung nagd-daydream ako na magka-holding hands kami, ang sweet niya sa akin, tapos kinakanta pa niya yung Walang Iba. Nako! Perfect!

*snap* *snap*

Nagising na lang ako sa pagd-daydream nang pinitik pitik ni Joshua yung kamay niya.

"Ano? Kitang nagd-daydream pa ako eh. :3 "

"Eh kasi naman po, yayayain sana kitang lumabas."

"Para saan naman?"

"Wala lang. Ayaw mo? Okay sige. Byeee! Libre ko pa man din."

Binulong nanaman niya yung last part pero dinig na dinig ko 'yun. At nag-hugis puso na lang mata ko nang marinig 'yun. Waaaah. Libre!

"Joshua! Wait lang! Sama na 'ko!"

At ayun, lumabas na kami ng room at kumain ng kumain. Uwian na rin naman.

Si Joshua nga pala ang boy bestfriend ko. And I aaaaaam, *drum roll* Marylin Jhean Cristina Emmanuel! Haba ng pangalan ko noh? Hahaha! Ang ganda nga eh. ^^

Ayung si Jhake naman, crush ko 'yun. At di lang basta basta crush. Suuuuuuuuuuper crush! Baka nga mahal ko na 'yun eh. Hihihi.

Mahal ko din naman si Joshua pero not in a romantic way. Of course, as a bestfriend at hindi na magbabago 'yun. Hanggang dun na lang talaga.

Ewan ko nga kung sino crush nung si Josh eh, pero sana masabi na niya sa akin para matulungan ko siya. Supportive bestfriend yata ako!

[Josh POV]

Kasalukuyan kaming andito ni Jhean sa may park. Grabe talaga siya, ang takaw takaw niya. Pero, mahal ko pa din 'yan.

Habang tinititigan ko siya, mas lalo ko lang napapansin kung gaano siya kaganda. Hayy. Sayang nga lang at iba gusto niya.

"Oh Josh, ba't ka nakatitig? May dumi ba sa mukha ko?"

Nag-iwas agad ako ng tingin pagkasabi niya nun. Aish!

[Jhean POV]

Habang kumakain ako, napansin ko na nakatitig siya sa akin.

"Oh Josh, ba't ka nakatitig? May dumi ba sa mukha ko?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 07, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Walang Iba [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon