Saloobin Ng Iniwan

4 0 0
                                    

Hindi ba ang sabi mo wala namang iba,

Bakit hindi pa rin pwede tayong dalawa?

Ang sabi mo ako'y espesyal, mahalaga,

Ngunit sa huli kasinungalingan lang pala

Isang kahapong puno ng pangako

Ang hinaharap na di na mabubuo

Sa lungkot ng kasalukuyan ako'y kulong

Niyayakap ang alaala natin at patuloy na nagtatanong

Nasasaktan din ba ang nang-iiwan

Sa pagpili ba sila'y nahirapan?

Mga pangakong kaydaling binitawan

Isang pag-ibig na di kayang panindigan

Mahirap bang manindigan?

Mahirap bang lumaban?

Mas madali bang may bitawan?

Hindi ba kayang sabay na panghawakan?

Oras na lang ang magiging kakampi.

Panahon upang mahalin ang sarili.

Ako'y maghihilom at magpapatawad,

Lilimutin ang mga minsan nating huwad

Kung iyong inaakala na naging madali ang lahat

Ilang paumanhin man ay di magiging sapat.

Ngunit sa lahat ay may ipagpapasalamat

isang karunungang hatid ng saya at sugat.

Sana sa iyong muling pagbalik aking inilalarawan,

Sayo ako ay babati ng walang anuman,

Gusto ko lamang sa sarili aking patunayan

Na ang nang-iwan ay wala nang babalikan.

- Zsarai13

a/n: inspired by Marnigo...

hayst...i feel u maris...lakas makabagets.. haha



Kung ano ano lang...Where stories live. Discover now