Hindi Tayo Pwede

1 0 0
                                    

Hindi tayo pwede? Lagi kong tanong sayo

Kapag natapos na ang araw, masaya  at kompleto

Mga oras na ikaw ang palaging kasama ko

Ngunit paglubong ng araw ika'y naglalaho


Hindi tayo pwede? bakit hindi mo masagot?

Palagi mo mang sabihin na ako'y mahal mo,

Parang may kung ano, parang may kurot

para bang may kulang, parang di ka sigurado.


Hindi tayo pwede? Bakit? Kailan? Paano?

Bakit hindi na sapat na ako'y mahalaga sayo.

Mahal kita at sabi mo mahal mo naman ako

Pero bakit ganoon ay wala ring Tayo?


Hindi tayo pwede? nais ko sanang sagutin mo,

Hindi kita maangkin pero ako'y sa iyo

Sigurado na ako pero ikay' parang lito

Pakiusap ano ba ang totoo?


Hindi pwedeng tayo?San ako nakalugar sayo?

Sa susunod na ito ay itanong ko

Maari bang katotohanan ang itugon mo

at sanay wag ang katagang ito ang marinig ko

"hindi tayo pwede."




Kung ano ano lang...Where stories live. Discover now