Kapag medyo may nagbasa, medyo itutuloy ko ang imagination ko. Hehehehehe.
ADY's
"HOIII, ADYYYY, BUMANGON KA NA NGAAA!." Dinig kong sigaw ni Ivy sa labas ng pintuan ng kwarto ko.
Apat na buwan na rin ang nakakalipas nang ikasal kami ng kupal na yon. Nakakapanibago, ilang taon kaming magkaibigan tapos ngayon mag-asawa na.
"Yaaaak!"
Napangiwi ako sa isiping yun. HAHAHAHA!
Bumangon na ako at naligo, sa banyo narin ako nagbihis dahil alam kong basta basta na lang namamasok ng kwarto ang asawa ko. HAHAHAHA!
Naka blue na shirt lang ako at boxer.
Paglabas ko ng banyo, bumungad nga agad sa harapan ko si Ivy.
"Umagang-umaga, bakit nakabusangot ka?" tanong ko sa nakabusangot na si Ivy.
"Mukha ko agad napansin mo. Ang astig kaya ng porma ko kaya mainngggit ka." Siya saka binagsak ang katawan sa sofa sa right side ng kama ko.
"Astig ka nga, mas pogi naman ako sayo. HAHAHAHA! Ngengooot." Pang-aasar ko naman.
"Hmp, mas pogi ka nga, pero mas ma-chicks naman ako sayo. Anong pakinabang mukha mo? HAHAHAHA!" pangaasar niya din.
"Sumama ka sakin." siya.
Anlakas talaga ng mood swing neto, kanina tawang tawa ngayon naman seryoso. Hayy.
"Saan naman?" ako habang nag-aayos ng buhok cause hair will always be the crowning glory. Hehehe.
"May id-date lang akong makulit na babae. Tsh, gustong gusto ako e, edi pagbigayan."
"May kadate ka pero sinasabi mo sakin, hindi moba alam na pagtataksil yun? Harapharapan mo akong pinagt---" hindi ko natapos ang biro ko dahil binato niya ako ng unan sa mukha ko.
"Kaartehan mo jan. Pinasasama kita dahil si Anne ang kikitain ko, yung crush mong bulok." Siya na nagroll-eyes pa.
Oo! Tigasin yan, mas lalaki pa nga ata yan sakin e.
P-Perooo? Tekaaa, si Anne? Si Mary Anne? Ang darleeeng koooo?
Binagsak ko ang katawan ko sa sofang kinauupuan niya tsaka siya niyugyug.
"Ivyy, bakit si Anne? Alam mo namang gustong gusto ko yun diba?"
"Oh tapos?" nagtanong pa, tigas ng bungo nito ah. Hmp.
"E bakit pati si Anne? Akala ko ba hindi mo siya gusto? Ivyyy naman e."
"Tss, kabadingan mo jan, tumigil ka na nga."
Binitawan ko siya tsaka umaktong parang nadepress dahil humawak pa ako sa noo ko at sinuklay pa ang buhok.
"Oy? Oyy Ady, umayos ka nga. Tumingin ka sakin." Siya pero hindi ko talaga siya nililingon.
Kabadingan na kung kabadingan pero, aaaaaah!
Hindi siya tumigil at niyugyog niya pa ako.
"Ano ba kasee? Nakakainis." Ako tsaka tinignan siya na parang inis na inis na kahit na ang totoo nagpapa-awa lang ako.
"Umayos ka nga, magbihis ka!" utos niya.
"Bakit ako magbibihis? Ako ba ang ka-date?" ako pero sa totoo lang may inaasahan ako. Hehehehe, hindi ako matitiis neto eh.
"Kaya nga pinagbibihis kita, iiwan ko kayong dalawa para ma-solo mo siya. Psh, napakahina mong ugok ka. Dalian mo jan, at magbihis ka na, kitang-kita ko yang umbok sayo, akala mo naman nakakainggit, eh ang sagwa naman." Siya saka tumayo na at lalabas na ng kwarto.
"Wala ka lang ganitoo. Pero dabest ka talaga. HAHAHAHA! Kinikilig ako." ako tsaka niyakap pa siya.
"Tss, para namang gusto kong magkaganyan." rinig kong bulong niya pa pero hindi ko na lang pinansin at tumakbo na ako sa closet tsaka nagbihis.
IVY's
Nandito kami sa isang Coffee House sa isang Mall medyo malayo sa lugar ng bahay namin ni Ady. Walang nakaka-alam na mag-asawa kaming dalawa ng bespren ko, kundi ang both family at ang iba na umattend sa kasal namin na dahil lang naman sa kompanya ang pakay.
Pero tungkol lang naman sa kompanya ang kasal namin pero bakit kailangan sa simbahan pa? At sa harap pa ng altar.
Grabe napaka-hussle nung araw na yun.We've just arrived here in Tagaytay, one of Delacruz Family's possession town.
I'm wearing a pure white simple backless not so long gown with a tulip flower with my hands, and uh my fingers was suddenly polished when I woke up earlier, and it's freakin' color pink? The heck.
I'm here waiting the door to open for me to walk in the aisle.
I know I'm not supposed to felt what I'm feeling right now because it's just for the sake of the company, but ugh, I'm nervous.
Now Playing 'Hope Not' blackpink
Maya-maya lang ay bumukas na ang pintuan ng simbahan, mula dito ay naramdaman ko ang presensya ng napaka-gandang nanay ko sa kaliwa at ang gwapo kong tatay sa kanan.
Tinignan ko sila at tinanguan na lang nila ako na parang sinasabi'ng 'You can do this, baby.', English talaga.
Habang naglalakad papunta kay Ady ay kitang kita ko ang ilan sa nakikita kong pumupunta sa mansion nila Ady, at tungkol yun sa kompanya. Ang family ko, ang nag-gagandahan kong Tita at, ang Kuya ko'ng modelo, si Inay-ang aking nanny, at lahat sila may ngiti sa labi. Kita ko rin ang Family ni Ady lalo na si Lolo na seryoso ang mukha pero kita ko sa mga mata niyang kuntento at komportable siya sa nakikita niya. Why?
Hindi ko din alam kung bakit ba ang bagal-bagal kong maglakad samantalang hindi naman ako ganitong maglakad, kahit nakagown ako kaya ko pang manipa at manapak ng kinse'ng tao ngayon mismo, pero parang hindi ko kakayanin dahil pakiramdam ko nanlalambot ako ngayon, sobrang kaba ang nararamdaman ko. Pero sa mga napapanuod ko naman, mabagal nga talaga silang maglakad. Tsh, kaartehan, nagsasayang lang sila ng oras.
Ramdam ko rin ang mga ilaw na nadampo sa mukha ko dahil sa Camera, tribute? Bakit pa? Sa bagay, baka hindi sapat ang 35+ na saksi sa nangyayari ngayon.
Huminga ako ng malalim ng lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Nagtama ang paningin namin ni Ady, wala akong makitang kaba sa mukha niya sapagkat ang aliwalas nito kaya naman medyo nabawasan ang kaba ko.
Nang makarating na ako sa unahan ay nagpaalam na sina Daddy at Mom at inihablin na ako kay Ady.
"Please, take care of my daughter Jeremy" si mommy, nagtanguan at nagyakap lang sila pati na rin ni dad.
Wow! Parang totoo lang, e alam naman naming lahat dito na ang kasal na ito ay para sa kompanya dahil yun ang sabi ni Lolo.
Nang iabot ko ang malamig kong kamay kay Ady ay medyo kumalma ang nagdadabog kong dibdib. Me'martial law sa loob e. Haha!
"Ang ganda ganda mo, Ivy." Nakaramdam ako ng kislap sa puso ng sambitin niya ang mga salitang yan sakin. Hindi ko alam pero dati kapag may nagsasabi sakin yan ay binabatukan ko dahil pogi ako at hindi maganda, pero ngayon ay parang gusto ko pang makarinig ng isa pa.
Tinignan ko siya at nginitian, I really don't know how to react on this. We're in the spotlight.
"Salamat." Ako
"Ganyan ka na lang palagi." Ramdam ko ang pangungumbinsi sa boses niya.
"Huh? anong ganyan? Gusto mong araw-araw akong magsuot ng gown na may belo? "
"Ang ibig kong sabihin, wag ka ng magsuot ng mga damit na dapat ako ang nagsusuot. Wear some girly stuff instead."
YOU ARE READING
Loving Ady
RomanceGinawa ang kwentong ito para lang may mapaglagyan ang imagination ko. Isa lang akong batang mahilig mag-imagine kaya medyo maraming typos at maling english diyan kaya kung sensitive ka wag mo na lang 'tong basahin. Hehehehe. Lovelove. Let's just spr...