Tila ba,
Limot na niya,
Ang maging masaya,
Noong nawala ka.
Hinahanap ang iyong presensya,
Sa bawat sulok ng kanyang mga mata.
Ngunit ang katotohanang wala ka na,
Ay hindi matangap ng Kan'yang Sistema.
Tanging sakit at hinagpis.
Ang makalaya'y tanging nais.
Sa hawla ng inyong nakaraan,
Sa bigo n'yong pag-iibigan.
Paglipad ay hindi magawa,
Ng ibon kahit siya na ay malaya.
Sinubukang ibuka ang pakpak
,At hinayaan ang hangin na siya ay itulak.
Tila ba,
Nakagapos pa rin siya,
Sa kadena ng nakaraan,
Sa bigo ninyong pag-iibigan.
YOU ARE READING
Hymn of a broken soul
PoetryThey say that the eye is the window to someones soul. The stare of a broken soul is endless as an abyss, And the scream of someone's scars is as deafening as a black hole.