PAGHANGA

71 10 0
                                    


Nang una kitang makita
Tila ba walang makata
Na makapagtatala
Sa kanyang tula
Ang nadaramang paghanga

Ika'y isang pinta
Sa aking mga mata
Sa umpisa'y maganda
Lalo na nung nakilala pa

Bakit di magawang mapansin
Ang aking lihim na pagtingin
Pasulyap-sulyap lang sa hangin
Nang ika'y mapatingin
Biglang napaiwas ng tingin

Lumipas ang panahon
May nangyaring aksyon
Ikaw nga at ako ngayon
Ang nagtakda ng pagkakataon
Kung anong meron tayo ngayon

Sino nga ba ako sayo?
Ang laging nasa tabi mo
Iyong sinasabi mong "Mahal mo!"
Ngunit bilang Kaibigan mo

My PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon