"Huwag kayong lalapit sa akin! Sisigaw ako!" Banta niya sa tatlong lalaking pumalibot sa kanya. Damn it! Ito na nga ba ang sinasabi ni Joseph sa kanya. She is stubborn, padalos-dalos and stupid.
In the middle of the night and she was out alone. Naglayas siya sa bahay nila matapos malaman sa mga magulang ang gusto nitong mangyari. She will not let them manipulate her life! Malaki na siya at may sariling buhay at desisyon. She will do as she pleases.
At dito nga siya dinala ng nangangating mga paa matapos paharurutin ang sariling sasakyan mula sa mansyon. Sa Subic. Mula Maynila ay nakarating siya rito.
She stopped by a bar malapit sa tabing dagat. Gusto niya munang makalayo at makapag-isip isip. Subalit paglabas pa lamang niya ng pinto ng sasakyan ay sinalubong na agad siya ng tatlong mandarambong.
Ngumisi ang mga ito. "Sige. Sumigaw ka para magilitan ko ang makinis mong lalamunan." Naglabas ito ng isang patalim.
Oh Lord. Please help me. Anong gagawin ko?
"Miss. Sumama ka na lang kasi sa amin ng matiwasay. Promise. Kahit gasgas, di ka magagalusan. Gusto lang naman naming makipagkwentuhan eh." Wika naman ng isa pang lalaking tumabi sa kanya. Ang magaspang na mukha nito ang kiniskis sa pisngi niya.
Nanghilakbot siya. Nagtawanan ang mga ito na akala mo nasaniban.
Shit! This man smells rotten! Help me!
"Go to hell!" Di na niya napigil ang impit na pagsigaw sa sobrang takot at napatakip na lamang siya ng mukha.
"Aba't sumigaw ka pa ha!" Akma siyang sasaksakin nito nang isang malakas na suntok ang nagpabalikwas sa pangit na lalaki na nagpawala ng balanse nito.
"Hayup ka! Sino ka!" Sigaw pa ng isa matapos makita ang kasama na dumausdos sa lupa at akma naman nitong dadaluhungin ang estranghero.
Isang sipa sa dibdib ang nagpaatras dito at sumubsob ito sa lupa. Ang lalaking may hawak ng kutsilyo'y agad ding nakabawi at nakita pa niyang pasugod nito sa binata.
"Sa kanan mo!" Sigaw niya rito na pigil pigil ang paghinga at napadalangin na huwag masaksak ang tagapagtanggol.
Kagya't namang nakabiling ang estrangherong binata at bago pa ito masaksak ay naipit na nito ang braso ng lalaki at hinampas sa tuhod nito hanggang sa mabitawan ang patalim. Saka nito buong lakas na binuhat sa likod ang lalaki at inihampas sa lupa.
Ang isang kasama naman ng mga ito ay hindi agad nakakilos at kagyat na naduwag at nagtatakbo palayo. Halos magkandarapa ito at di malaman kung saan susuot.
Hinarap muli ng binata ang dalawang lalaking naiwan na parehas nang napahinuhod sa lupa. Akma nitong dadaklutin ang mga ito subalit nakaiwas na at humahangos na sumunod ang mga mandarambong sa direksyon ng nauna na halatang namimilipit sa sakit.
"Are you okay?" Tanong ng estranghero sa kanya nang makuha na siyang harapin nito. May maliliit na butil ng pawis mula sa noo nito.
"Y-yes." Sagot niya rito. Matapos ay naglabas ng malakas at mahabang paghinga. Nanginginig pa din ang tuhod niya hanggang ngayon kaya't napayuko siya at napahawak roon. Muntik na siyang mapahamak. Sa itsura ng mga alipores na yun ay hindi lang siya balak hold-up-in kundi worse, pagsamantalahan ng mga ito.
She cringed at the thought.
Tinitigan lamang siya ng binata na animo winawari. Hindi ito umiimik.
Tiningala niya ito. Matangkad ito at halos mangawit siya sa ginawa. Sa palagay niya'y hindi nagkakalayo ang taas nito kay Joseph. Matikas din ang pangangatawan nito. Halata iyon sa broad shoulders at malaking dibdib nito. Mukhang sanay sa martial arts ang lalaki sa mga ikinilos nito kanina.
He is wearing faded jeans, white shirt and leather jacket. She looked at his face upang mapalunok na lamang.
Damn! He looks drop dead gorgeous!
A knight in a shining armor.
Nananaginip ba siya? Para siyang nanonood ng action movie na sa unang pagkakataon ay nakaharap ng leading lady ang leading man. Animo biglang bumagal ang takbo ng oras, at nag-slow motion.
Isang tikhim ang nagpatigil sa kanya na siyang nagpabalik sa kanya sa katinuan.
"Ahhh.. T-thank you." Iyon na lamang ang nasabi niya upang matakpan ang pagkapahiya.
He smirked.
Napakunot ang noo niya rito.
"What kind of a fool will go out in the middle of the night, alone, stop by an isolated bar with a latest model of Porsche Panamera? Kung hindi ka ba naman kasi tanga at gusto mo talagang mapahamak."
"W--what?" Tama ba ang nadinig niya rito? Tinawag siya nitong fool? Tanga?
Hindi ito sumagot. He just smiled sarcastically.
Iyon ang lalong nagpabalik sa kanya sa wisyo. This bastard! Akala pa naman niya ay isa na itong knight in shining armor. Another arrogant beast!
Bigla ang pagtayong ginawa niya.
"Excuse me??? Who are you calling a fool and tanga?!" Hindi siya makapaniwalang humarap rito. Pinaghalukipkip niya ang mga braso.
Kung kanina hindi ako nakapanlaban, mukhang ngayon ko 'yun magagawa sa 'yo. Arrogant!
"May iba pa bang tao dito?" Wika nito na tila ba natutuwa sa inaakto niya.
Aba at talagang!
Magsasalita pa sana siya ngunit tinalikuran na siya nito.
"Yeah. You're welcome." Wika nito na naglakad palayo at winasiwas ang kaliwang kamay bilang senyas ng pagpapaalam.
Napahinto siya sa nais pa sanang sabihin. Imbes ay pinigilan ito.
"Sandali."
Lumingon naman ang binata na nakangiti pa rin. Damn that smile! Whatever that means.
"Thank you. I mean it." She said sincerely na ngumiti. How can she get mad at the person who saved her from actual death?
His chinky eyes curved in a real smile with his thin lips. "You're welcome. I mean it." And he winked.
Namula naman ang mga pisngi niya sa ginawa nito. Damn! Her heart fluttered na parang may mga dagang nagtatakbuhan sa loob.
"I don't usually get myself into trouble miss. That's only once in a Blue Moon." At tuluyan na itong umalis.
Naiwan siyang nakatingin na lamang sa likod ng palayong lalaki.
"Yeah. Once in a Blue Moon." Naibulong niya sa sarili at napatingala sa bilog na buwan na halos kulay asul.
BINABASA MO ANG
Book 3 : Rhythm of my Heart
Romance💟 Blue Series presents: Rhythm of my Heart Book 3 : Daniel and Lyka