Last Diary Entry

6 0 0
                                    

JANICE' POV

'MAAGA akong nagising kanina dahil sa alarm ko. Bale mga 3:00 ata yun? Di ako sure.
Then bumangon agad ako, saka napangiti ng makita ang kalendaryo. Napangiti ako nang maalala ang okasyon ngayon.
Monthsary na namin.

Kaagad akong naligo at naghanda para sa pag-alis. Kinuha ko rin yung cake at baloons na ipang su-surprise ko sa kanya. Excited na ako!

8th monthsary na namin ng boyfriend ko kaya pupuntahan ko sya sa condo nya para sorpresahin nya.

Kaagad akong sumakay sa kotse ko at nagtungo sa condo unit nya. Malapit lang iyon kaya mabilis akong nakarating. At dahil may susi ako ng unit nya, pumasok ako doon nang hindi kumakatok. Baka kasi magising sya, sayang naman yung surprise ko. 

Nakangiti kong ikinabit ko yung nga baloons at inihanda ang cake sa mesa.

Nang matapos, kumatok ako sa pintuan ng kwarto para gisingin sya.

"Edward!" Pagtawag ko pa.

Bumukas na ang pinto subalit laking gulat ko nang makita kung sino ang bumungad sa akin.

"Janine..."Bulong ko sa pangalan nya.

"J-Janice?" Gulat nyang sabi.

"Sino yan babe?" Napalingon ako sa likuran ni Janine nang marinig ko ang boses ni Edward. Alam kong hindi ako ang tinutukoy nya dahil sweetie ang callsign namin.

"Babe!? Anong ibig sabihin nito?" Gulat kong tanong. Parang tinutusok nang paulit-ulit ang dibdib ko dahil sa nasasaksihan ko. Ako dapat yung mangugulat sa kanya, pero ako yung nagulat. Isn't it amazing?

"S-Sorry Janice..." Bulong ni Edward.

"Sorry!?" Humarap ako kay Janine. "At ikaw! Anong klaseng kakambal ka! Kakambal kita pero nagawa mo akong pagtaksilan!" Sabay sampal ko sa kaniya nang pagkalakas lakas.

Yan ang para sa kanya, taksil sya! Hindi ko akalain na ang taong kasangga ko, syang magtataksil sa akin.

"Aba, sorry naman Janice! Kung alam mo lang sana kung gaaano ko kagusto si Edward!" Nagulat ako sa nasaksihang Janine ngayon. Mahinhin sya, pero hindi nya magagawang sigawan ako.

"Nasayo na nga ang lahat eh! Ang talino, magagandang gamit! Tapos ipagdadamot mo pa si Edward!? Ikaw ang walang kwenta!"

Nanlaki ang mata ko nang dumapo ang palad niya sa pisngi ko.

"Nasakin na ang lahat!? Eh halos lahat nga nga gamit natin share tayo eh! Tsaka nasaan na yung sanggang dikit na ipinangako natin sa isa't-isa? Sinira mo yon! Wala akong kambal na ahas!" Saka ko kinha yung cake at ibinato iyon sa mukha nya. Bakas ang gulat sa mukha ng dalawa pero di ko na iyon pinansin pa dahil sa matinding emosyon.

Hindi ko kinaya ang mga pangyayari kaya agad akong tumakbo pabalik sa kotse at nagdrive palayo.

Habang nagmamaneho ako, sinusulat ko ito. I think this is my last diary entry.
Ayoko na. Ang sakit sa'
.
Napabuntong hininga ako saka ko isinara ang hawak na diary.

Hindi nya natapos ang last entry nya, dahil nabangga sya.

Tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha ko na pumapatak sa lapida nya.

"Patawad, Janice." Yon na lang ang tanging nasabi ko.

Nang dahil sakin, nawala sya. Nawala ang pinakamamahal kong kakambal.

"Patawad Janice sa lahat ng nagawa ko sayo. Kung hindi ko sana inagaw sayo si Edward, hindi mangyayari sa iyo iyan. Nagkamali ako, dahil niloko lang ako ni Edward pero ayos na iyon, dapat lang talaga akong masaktan dahil sa pang-aahas ko sayo..."

Nagpatuloy ako sa pagluha. Ang sakit sa pakiramdam na ikaw ang dahilan ng pagkamatay niya.

"Lola Janine! Ayos lang po kayo?" Napalingon ako sa apo ko na tumabi. Napatingin siya sa diary ni Janice na medyo sunog na.

"Apo, ingatan mo itong diary na ito. Basahin mo iyan, nang ikaw ay matuto." Iniabot ko ang diary sa kanya at kunot na kunot ang noo nya.

Sa huling hininga ko, nagsisisi pa rin ako. Pero sa huli, alam kong may taong matututo sa pagkakamaling ginawa ko.

Sana, mapatawad ako ni Janice. Nasa huli ang pagsisisi, at huwag maiinggit. Yan ang mga bagay na natutunan ko sa nakaraan namin.

Dahan-dahan kong ipinikit ang mata ko hanggang sa wala na akong maramdaman.

***

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 22, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Last Diary EntryWhere stories live. Discover now