Sana ako ang nasa tabi mo
Sana ako ang kayakap mo
Nasa bawat oras ako ang kailangan mo
Sana ako nalang ang nasa puso moPilit kang tinitingnan sa malayo
Ngumiti kalang ay parang nagdidileryo
Ngunit ako nga ba' y mapapansin mo?
Dinggin mo naman ang pagmamahal koKailan kaya magiging ako
Ano bang meron siya na wala ako?
Maganda naman ako
Hindi nga lang perpektoPansinin mo naman ako
Wag yung ibang nasa paligid mo
Nandito naman ako
Naghihintay na mapansin moLumapit ka nong isang araw
Ang puso ko'y parang natunaw
Pero tinanong mo ako
Kung sino yung babaeng katabi koO napasakit naman nito
Kung pwede ko lang sabihin saiyo
Ang tunay na nararamdaman ko
Pipiliin mo kaya ako?Nasa tuwing lalapit ka sa kanya
Gusto kung sabihin sayo na
Nagpapakatanga kalang sa kanya
Nandito lang naman ako sa harapan moPwede bang wag kang tumingin sa likuran
Para makita mo naman ang nasa harapan
Ang babaeng minahal ka ng walang hangganSa bawat gabi iniisip ka
Sa pagtulog napapanaginipan ka
Sa bawat umaga pinapangarap ka
Sa bawat segundo hinahanap-hanap kaNababaliw na nga ba kaya?
O nagpapakatanga?
Sa isang taong nagpakatanga sa iba
Bagay nga tayo parehong tangaMahal mo siya
Ang tanong mahal ka ba niya?
Bakit di mo ibaling ang tingin mo
Ng makita mo naman akoSa panahong nakikita kita
Na nagpapantasya sa kanya
Iniisip ko na ako nalang siya
Baka sakaling mahalin mo ko gaya ng pagmamahal mo sa kanyaOras na ba na gumising ako
Sa mahaba- habang pagtulog ko
Sana pagising ko
Kasama nito ang paglaho ng nararamdaman ko para sayoAt makawala sa pagkakakulong
Sa hawlang inilagay mo
Papalayain ko na ang puso ko
Sa pagkakabilanggoSana ako nalang siya
Sana tayo nalang
Sana ako nalang
Sana ako