Isang salita na may anim na letra
Isang salitang sinasabi kapag nasaktan kana
Malaya para sa taong nagmamahal pa
Nagmamahal pa pero wala ng pag-asaSa kahapon na aking naranasan
Sa taong minahal ko ng lubusan
Lubusan na hindi ko na maramdaman
Sa panahong ika'y aking pinagbigyanMahal, mahal parin kita
Mula noong ika'y nakilala hanggang ngayon na tayo'y tapos na
Tapos na dahil ako nalang ang nagmamahal sa ating dalawa
Malaya para taong nauubos na
Ubos na sa pagbibigay ng tiwalaSa panahong ika'y aking nakilala
Lubos ang aking saya
Sapagkat sayo lang naramdaman
Ang lahat ng aking nababasaMahal, ang mundo mo'y naging mundo ko
Ang buhay ko'y nakalaan para sayo
Sayo lang umiikot ang mudo ko
Ang mundong naging masaya ng dahil sayoSayo ko nakita ang kulay ng mundo
Ang mga paru-parong nagliparan sa tiyan ko
Na aking nararamdaman ika'y aking minahal
Minahal sa pag- aakalang ikay na si "
"The One"Mahal masaya ka na ba?
Sa taong iyong kasama
Sa taong mahal na mahal ka
At binigyan mo ng importansiyaMahal ako'y nasasaktan na
Pero akin itong gagawin
Sapagkat mahal kita
Hindi na ako lalaban pa sa relasyong walang patutunguhanMahal sana'y wag mo akong kalimutan
Wag mong kalimutan ang ating nakaraan
Ang nakaraang napakaganda
Ngunit ito'y isang nakaraan nalangMahal kahit tayo'y magkakalayo ikaw parin dito sa puso ko
Pusong tumitibok para sayo
Pero ng dahil sayo ito'y nabigo
Mahal ika'y malaya na sa pagkakabilanggo