Nang ako ay level 2 ay lumipat na kami ng school ng aking mga kapatid sa Ateneo De Davao University at ang saya saya ko nang nalaman ko na lilipat na pala kami ng school. Parang gusto ko nang pumasok sa eskwelahan na yun pero hindi pa ako nakapag enrol kaya bawal pa daw pumasok. Late na kami nakapag enrol sa school na eto kaya naka civilian pa ako that time. Papasok na sana ako sa classroom ko nang bigla akong natakot (kasi nga po eh bago lang po bago lang po ako sa school na yun) Nagpakilala na ako sa aking mga kaklase at pagkatapos nun ay umupo na ako sa upuan ko at nakinig na sa aking guro habang nakikinig ako sa aking guro nagiging masaya ako at natatakot dahil hindi pa po ako sanay na lumipat ng eskwelahan at ikinatatakot ko po iyon. Ang sabi naman ng magulang ko sa akin na.
"Baby pumasok ka na doon sa classroom mo hindi naman nangangagat ang teacher mo eh pati ang mga kaklase mo"
"Pero mommy takot po talaga akong pumasok sa classroom ko kasi po hindi ko pa po kasi sila kilalang kilala"
"O sige na baby pumasok ka na hinihintay ka na nang iyong guro"
"Opo mommy titiisin ko nalang ang takot total naman sabi niyo eh hindi naman sila nangangagat"
"O sige ha aalis muna kami doon lang muna kami sa baba hintayin ka namin dun"
"Opo mommy bye bye mommy I love you"
"I love you too baby"
"O sige pumasok ka na baka malate ka pa"
Pagkatapos nun ay nakinig lang ako sa aking guro at inilagay ko sa aking utak ang kanyang mga tinuro. Pagkatapos nun ay lumabas na kami at pumunta kami sa nccc mall para magpasyal.
A/N: Grabe pala no kapag bago ka lang talaga lumipat sa school na pinapasukan mo natatakot ka talagang pumasok tapos parang gusto mong umuwi. Sabi nga nang ating magulang hindi naman tayo pinapalo nang ating mga guro.