Prologue

606 23 3
                                    

'Welcome to Batangas'

"Court, wake up! Nandito na tayo" Sabi nito kaya inimulat ko ang aking mga mata. Tumingin ako sa bintana ng sasakyan at nandito na nga kami.

I was so tired. Nakakahilo kasi kanina sa byahe. Halos paikot-ikot at baba-taas ang mga daanan.

Bumaba na kami sa sasakyan at dumiretso kaagad sa loob ng cottage upang mag-ayos ng gamit at para magpahinga na rin.

Ang ganda dito. Maaliwalas at White Sand! Parang tinatawag na ako ng dagat. Hehe, Sarap mag-swimming~ kung marunong...

"Girl, tara swimming?" Sabi ni Gabrielle at nakaSuot agad siya ng pang-swimming niya.

"Sige, magpapalit lang ako ng damit" I said at tumakbo na siya papunta sa dagat.

Pumasok ako sa cottage at mabilis na nagpalit ng damit pang-swimming. Sinusulit na namin ang mga araw na ito dahil next week ay pasukan na namin as a Senior High student. Ang bilis.

"Courtley!" Napatayo ako sa gulat ng may sumigaw ng pangalan ko. "Ang tagal mo naman daw" dagdag pa niya kaya tumayo na ako at inayos ang suot kong Plain white T-shirt ko.

Pumunta ako sa hanggang beywang, dahil hindi ako marunong lumangoy. Napasigaw ako nang may humila sa paa ko.  Lumubog ako. Pag-angat ko ng ulo ko ay nakita ko ang isang lalaking naka goggles. Sino ba toh?!


###

A/N: Thank you sa mga nagbasa!!! Sana subaybayan niyo ito hanggang sa dulo. I Purple You!!

VOTE!

Last First KissWhere stories live. Discover now