*HANGGANG KAIBIGAN LNG TAYONG DALAWA*

4 2 0
                                    

Roses are red, violets are not blue,
Wag mong ipagsiksikan ang sarili mo,
sa taong hindi ka naman pala gusto,
Kaibigan,
Yan tayo,
Ikaw at ako,
Ipinagtagpo, ngunit hindi itinadhana,
Hindi tayo hayop, at hindi rin tayo,
Kasi nga walang tayo,
Tao ka, at tao rin ako,
At hindi tayo bagay,
Kasi langit ka, at lupa ako,
Sino nga ba naman ako sayo,
Isang hamak na kaibigan mo lang naman ako,
Isang ako na may ikaw,
At  isang ikaw na may siya,
Siya na may ikaw,
at ako na walang ikaw,
Wala na akong choice,
kung hindi sayo ay bumitaw,
Pasensya ka na,
Hindi ko naman sinasadya,
Nakatulog kasi ako na
mahal kita,
Kinabukasan pagkagising ko mahal pa rin kita,
Ang saklap diba?
"Let you go",
that's what they've told me,
Kung pwede lang talaga ginawa ko na,
kung pwede lang sana matagal ko ng ginawa,
"You deserve someone better"
that's what you've told me,
And then what?
who deserves you more?
Siya na hindi ka mahal,
o ako na mahal kita?
Siya na kakakilala mo lang,
o ako na kaibigan mo lang?
Bulag ka ba?
O sadyang manhid ka lang talaga?
Bakit hindi mo ko ramdam?
I am not Ed Sheeran
just to let you go,
I am not skusta clee
to look for someone
who's much better than you,
because for me,
it was always been you,
Pagmasdan mo ang patak ng ulan,
Pakiramdaman mo,
Huminto ka sa gitna ng daan,
Doon ka lang,
at wag kang tatakbo palayo
para sumilong,
Ngayon anong pakiramdam?
ang maiwan sa ere ng mag-isa,
habang nagpapakabasa sa ulan?
Nagmumukha ka lang tanga diba?
Ganyan ako,
simula nung iniwan mo'ko,
Alam mo bang sumugal ako,
para sayo?
Kagaya ng ginawa mo,
Kahit na basang-basa na ako,
hindi ako tumakbo palayo
upang sumilong,
Nagtiis ako sa lamig,
kahit na alam kung magkakasakit ako,
Kahit na alam kung masasaktan ako,
dahil sya ang mahal mo,
Kaibigan,
Hanggang Kaibigan Lang tayong dalawa,
Isang malamig na kape,
para sa samahan nating dalawa,
Mapait, at walang lasa,
Isang paasa, at isang tao na umaasa,
Katangahan
Walang paasa, kung walang umaasa,
Ano pang hinihintay mo,
sa gitna ng kalsada?
Basang-basa ka na,
sumilong ka na,
Dun ka na sa kanya,
Wag kana sa akin,
Wala akong dalang payong
mababasa ka lang,
Wag mo na  akong intindihin,
basang-basa na ako,
hindi ko na kailangan pang sumilong,
Kasi sanay na akong maiwan,
at masaktan,
Sanay na akong mabasa sa ulan,
hindi kasi ako katulad mo
na tatakbo palayo,
Upang makahanap lamang
ng masisilungan,
Hindi kasi ako nang-iiwan,
Kagaya mo,
Lahat ng bagay,
Pinapahalagahan ko,
tulad mo,
Ngunit ikaw,
Ibang tao ang pinapahalagahan mo,
At hindi ako,
Kaso nga lang,
isang hamak na kaibigan
mo nga lang naman pala ako,
At ngayon tanggap ko,
na hanggang dito,
Hanggang magkaibigan lang talaga tayo,
Walang labis,walang kulang,
Walang tanong, sapagkat wala man lang patlang,
kahit hindi ko naman alam,
Kung saan ako nagkulang?
Magkaibigan lang tayo, at hanggang doon lang,
Pwedeng magsama,ngunit hindi pwede sa isa't-isa,
Kasi nga gusto kita, Ngunit mahal mo ay iba,
Magkaibigan,Oo tama, yun lang,
Ngayon,
Titingala ako sa kalangitan,
Maghihintay ako,hanggang sa tumila ang ulan,at tanggapin sa aking sarili,
na hanggang kaibigan,
"Hanggang kaibigan lang tayong dalawa"..
Roses are red, violets are not blue,
If you don't love me,
Then I'll stop on chasing at you..

POETRYWhere stories live. Discover now