Rich Kiddos
What is wrong with this? Hindi naman po masama kung mayaman ang characters ng story mo. But, please. Please make it more realistic lalo na kung romance at hindi fantasy.
Ano ang realistic?
1. Hindi po realistic ang character na may bahay na six floors and with elevator. Bakit? Nasa Pilipinas po tayo at bahay 'yan hindi condo. Okay pa sana kung two floors or three floors ang bahay niya. Pero six floors and with elevator pa? Ate/Kuya naman, grabe namang imagination 'yan.2. Hindi po realistic ang 17 years old at nagmamay-ari na siya ng isang malaking kompanya. Bakit? Eh hindi pa nga 'yan pwedeng magdrive, tapos CEO na? Ay grabe! Gawin mo namang twenty para kapani-paniwala naman.
3. Multi-billionaire ang character mo. Maraming malalaki at magagandang bahay, maraming mamahaling kotse at inangkin na ang lahat ng maid sa Pilipinas pero teacher lang? Accountant lang? Hindi ko naman po iniinsulto ang mga guro at accountant. I mean, multi-billionaire ang pinag-uusapan natin dito. Sana naman gawin niyong CEO o superstar ang trabaho niya. If you really want to stick with your character being a teacher/accountant, sana naman may mafia siya o ano man diyang pwedeng magpapatunay sa dami ng pera ng character mo.
So, 'yan lang po ang nanotice ko sa mga story na nabasa ko rito sa wattpad. I'm not the best writer here. I just started writing. Pero, at least may nalalaman naman ako about what's realistic and what's not.
Again, don't be offended. Okay?
Iwrite1818 <3
BINABASA MO ANG
Diamonds in the Rough
RandomThis is a book club. Diamonds in the rough: people who are having exceptional qualities or potential but lacking refinement or polish.